Enjoy reading, Sweeties
Bernadette
"Tatay naman sinabing kumalma na po muna kayo," mahinang sabi ko habang nakatingin kay Tatay na masama ang tingin kay Xandro na ngayon ay katabi ko.
"Paano ako kakalma kung sinasabi ng lalaking 'to na buntis ka?! Sasaksakin ko 'yan Bernadette," sigaw ni Tatay kaya nakita ko ang mga ugat sa leeg niya na halagang galit na galit nga.
Napailing na lang ako at masamang tumingin kay Xandro. Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa isip niya at pumunta pa siya rito.
"Tatay tsaka na po natin pag-usapan ang tungkol sa bagay na 'yon, 'di ba kailangan mo pa—"
"Buntis ka ba talaga Bernadette?" tanong ni Tatay sa akin kaya napakagat ako sa ibabang labi ko.
"O-opo," mahinang sagot ko.
"Tatagain talaga kita!" sigaw ni Tatay at muli sanang susugod nang pumagitna na ako sa kanilang dalawa ni Xandro.
"Tatay naman e!" naiinis na sabi ko.
"Ano 'tong ginagawa mong bata ka?! Si Lance?! Nasaan ba si Lance?! Hindi ba't magpapakasal na kayong dalawa?! Nasaa—"
"'Tay matagal na pong natapos ang relasyon naming dalawa ni Lance... niloko niya po ako," mahinang sabi ko dahilan kung bakit natigilan si Tatay.
Tumingin siya kay Xandro at ilang saglit pa ay nakita kong napahawak siya sa sintido niya.
"Sumasagot ang ulo ko dahil sa 'yong bata ka... ano'ng gagawin natin? E 'di magpakasal na kayong dalawa," sabi ni Tatay kaya naman umiling agad ako.
"Tatay ipapaliwanag ko na lang po sa inyo sa susunod, masakit na rin ang ulo ko," inis na sabi ko.
"Berting hayaan mo na 'tong anak mo. Malaki na si Bernadette, siguradong alam na niya ang ginagawa niya. Kailangan ka ni Jiji, kawawa naman si Brent baka hindi makapag-aral ng maayos," sabi ni Uncle Gaston at inalalayan si Tatay.
Akala ko ay tapos na dahil aalis na si Tatay kasi dinuro niya si Xandro.
"Ang kapal ng mukha mong buntisin ang anak ko nang hindi man lang siya dinadala sa harapan ng altar. Makita ko lang 'yang pagmumukha mo ulit, pipilayin kita!" sigaw ni Tatay bago galit na umalis.
Napabuntong hininga naman ako. Napahawak ako sa sintido ko dahil tila sumakit talaga ang ulo ko dahil sa mga nangyayari.
"Grabe naman si Tatay Berting... nakalakad noong nalamang buntis ka," tumatawang sabi ni Kassidy. "Kung 'di 'yan pilay, pinakitaan ka ng Jackie Chan moves, Sir Xandro."
Masama kong tinignan si Kassidy dahil ginagawang biro ang lahat.
"What are you doing here?" I asked Xandro coldly.
"Nandito ako kasi kailangan mo ako?" Patangong ang pagkakasabi niya sa akin no'n sa 'kin.
"Sino'ng nagsabing kailangan kita?" malamig na tanong ko.
Sakit sa ulo na nga si Angel ay pati ba naman si Xandro hindi ako patatahimikin.
Nakita kong natigilan si Xandro sa tanong ko. Naalala ko ang sinabi ni Angel sa 'kin kanina.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Surrogate
Romance"I guess my role ends here... Thank you for using me."