Enjoy reading, Sweeties
Bernadette
"Xandro... slow down," I whispered, scared.
Kumapit ako sa braso niya dahil masyado siyang mabilis. Napatili ako dahil mas binilisan pa niya ang pagmamaneho. Halos mangatog ang tuhod ko at pakiramdam ko ay matutumba ako kahit na nakaupo naman ako. Naramdaman kong naibaon ko sa braso ni Xandro ang may kahabaan kong kuko.
Napahikbi ako dahil halos humipad kami dahil sa bilis ng pagpapatakbo ni Xandro sa kotse niya. Mukhang narinig niya ang malakas kong hikbi dahil dahan-dahan na bumagal ang kotse kung nasaan kaming dalawa.
Ramdam ko naman ang galit niya subalit hindi naman tamang ganito siya. Paano na lang kung mag-disgrasya kami? Naalala ko bigla si Jiji at ang nangyari sa kan'ya.
Nang bigla na lang tumigil sa isang gilid ng kalsada su Xandro ay napatakip ako sa mukha ko gamit ang mga palad ko dahil sa labis na pag-iyak.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong umiiyak pero naramdaman ko na lang na hinawakan ako ni Xandro sa palapulsuhan ko at masuyo akong hinila para sa isang mahigpit na yakap. Mas lalo akong naiyak dahil sa ginawa niya.
"Shh... I'm sorry," he murmured.
Pinaghahampas ko siya sa dibdib niya dahil labis-labis ang kabang nararamdaman ko.
"M-magpapakamatay ka ba? Kung nais mong magpakamatay... huwag ko kaming idamay ng anak mo," umiiyak na saad ko. Puno ng galit ang bawat paghampas ng mga palad ko sa dibdib niya.
Ilang minuto kong pinaghahampas si Xandro hanggang sa mapagod ako. Hanggang sa magkayakap na kaming dalawa. Tila kumakalma ako sa magaan niyang paghaplos sa buhok ko. Huminto rin sa pag-agos ang mga luha ko.
Nang dahan-dahan siyang lumayo sa akin ay saka ko lang natitigan ang mukha ni Xandro. Tanging ang streetlight lang ang nagbibigay liwanag sa loob ng kotse ni Xandro ngunit kitang-kita ko na titig na titig siya sa akin.
And Xandro leans in, so carefully. He's so close. Tila maduduling ako dahil sa sobrang lapit niya at nakakatunaw ang mga titig niya sa akin na para bang ako ang pinakamagandang babae sa paningin niya. I can't feel any nervousness now. Hindi ko alam kung bakit mabilis ang pagtibok ng puso ko pero alam na alam kong hindi dahil sa kaba kung bakit tila kakawala na siya sa ribs ko.
"Xandro," I whispered his name and Xandro seemed to love the way I called his name.
"Bernadette, I'm sorry," he whispered.
Mukhang humihingi siya ng tawad dahil sa nangyari sa kanila ni Lance kanina. Bigla na lang niya kasing hinawakan ang kamay ko at dahil ayaw ko ng kahit na anong gulo ay sumama na lang ako kay Xandro kahit pa ba ilang beses kaming tinawag ni Rio na mukhang walang ka-ide-ideya sa nangyayari.
Sigurado akong nabigla siya dahil sa mga nalaman niya ngayong gabi.
"A-ayos lang, pasensiya ka na kung 'di ko sinabi ang tungkol kay La—"
"That's not what I want to apologize to you for," he suddenly said.
"Huh? Kung gano'n ano ang hini—"
Hindi ko ulit natuloy ang sasabihin ko nang magsalita ulit si Xandro.
"This!"
And he suddenly kisses me.
His lips are softer than anything I've ever known, soft like cotton candy... it's sweet—it's so effortlessly sweet. He touches my neck to deepen the kiss.
Madiin akong napapikit at hinayaan ang mga labi ni Xandro na gawin ang ninanais niya sa aking bibig, ngunit nang maramdaman kong tila kusa ang mga labi kong sumagot sa puno ng suyong halik ni Xandro sa akin.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Surrogate
Romance"I guess my role ends here... Thank you for using me."