Chapter 4

8K 136 14
                                        

Hi!

Enjoy Reading:)

Bernadette's POV

"Tulala ka naman d'yan. Ayos ka lang?" tanong ko kay Lance. Nandito kami sa Manila bay dahil hinintay namin ang sunset dahil ang ganda rito kapag may problema ka ay makakalimutan mo talaga kapag nakikita mo ang paglubog ng araw lalo kung kasama mo ang taong mahal mo.

Hindi ako pinansin ni Lance kaya pansin ko na may problema talaga. Hinawakan ko ang kamay niya kaya napatingin siya sa akin.

"Kailangan mo bang mapag-isa? Ayos na ba kayo ng Mama mo? Pasensiya ka na sa sinabi ko sa Mama mo, hindi ko lang talaga napigilan," mahinang sabi ko kaya naman hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko.

Kilala ko si Lance kapag malayo ang iniisip niya. Madalas niyang sabihin sa akin ang problema niya kaya naman kahit papaano ay nabibigyan ko siya ng payo na sa tingin ko kay kakailangan niya pero ngayon pakiramdam ko dinidistansya niya ang sarili niya sa akin.

Napapasin ko na ang pagkabalisa niya kaya naman natatakot ako. Alam kong meron siyang malalim na iniisip.

Hindi ko lang mapangalanan. Mukhang kailangan niyang masagot 'yon ng mag-isa kaya hahayaan ko siya.

"She hates you," he whispered.

Ngumiti ako ng mapait dahil sa sinabi sa akin ni Lance. Inaasahan ko naman na 'yon, wala nang bago.

"That's okay. Alam kong hindi pa kaya ng Mama mo na buksan ang puso't isip para tanggapin ako, naiintindihan ko 'yon," mahinang sabi ko habang nakatingin sa papalubog na araw.

Mahabang katahimikan ang siyang namayani sa aming dalawa ni Lance. Nagsisimula na akong kabahan pero walang saysay kapag kakabahan ako. Buo ang tiwalang meron ako kay Lance.

Maybe he's just stuck in the situation of me and his mom. Hindi rin naman alam kung paano manligaw ng soon-to-be mother-in-law 'no.

Malakas akong sabihin ang gusto kong mangyari, gold ako e.

"Bernadette..." nagulat ako bigla dahil sa pagtawag sa akin ni Lance kaya naman nagtaka ako habang nakating kay Lance.

Kumalabog bigla ang dibdib ko.

"I will be gone in a few days. Hindi ko alam kung kailan ako babalik... pero kapag nagkataon na wala pa ako, huwag mo na lang pansinin si Mama kapag magkasalubong na naman ang landas niyo," mahina niyang sabi habang nakatingin sa papalubog na araw.

"Saan naman ang punta mo? About business? Out of town na naman ba?"

"Out of the country, Love," he whispered.

Aalis siya... ibig sabihin matatagal na naman siya sa kung saan siya pupunta.

Pero trabaho naman ang dahilan kung bakit siya aalis. Katulad na lang noon.

Tumingin na naman ako sa papalubog na araw. Meron akong nararamdaman na hindi maganda; hindi ko lang masabi kung saan ba ang hindi maayos.

Pakiramdam ko may mali.

There seems to be something really wrong.

"Mag-iingat ka doon. Tawagan mo ako kapag wala kang trabaho," mahinang sabi ko kahit na merong mabigat sa dibdib ko.

Siguro dahil hindi naman talaga maayos ang lahat dahil na rin siguro sa nangyari nitong nakaraan sa amin ng Mama niya.

Mabigat talaga ang dibdib ko na naninikip.

"Lance..." mahinang tawag ko sa kanya habang nakatingin sa papalubog na araw. Nakita ko mula sa gilid ng mga mata ko na tumingin siya sa akin.

Napakagat naman ako sa ibabang labi ko dahil nakalimutan ko kung ano ang sasabihin ko.

The Billionaire's SurrogateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon