Chapter 38

1.9K 55 20
                                    

Enjoy Reading, Sweeties

Bernadette

"Ginabi ka yata ngayon," mahinang ani ko.

Agad na tumingin sa 'kin si Xandro. Ang pagod na mukha ni Xandro ay nagbago nang magtagpo ang mga paningin naming dalawa.

And there you go, I saw a beautiful smile on his kissable lips.

"Hi there, beautiful," he whispered.

He always told me that I was beautiful when I looked like a total mess! And that makes me fall in love with him... deeper and deeper.

And that's it... tila nawala rin ang lungkot ko nang marinig ko papuri niya sa 'kin.

"Hug... where's my hug?" I suddenly asked.

Puno nang kasiyahan siyang lumapit sa akin na parang hindi mo aakalain na galing siya sa matinding pagod.

I closed my eyes when Xandro hugged me and gently planted a kiss on my forehead.

God, I really love this man.

"Behave ba si baby buong araw?" tanong ni Xandro at hinahaplos ang malaki kong t'yan na tila ito ang kinakausap niya.

"No, daddy... sumakit ang t'yan ni mommy kanina," mahinang ani ko kaya nag-angat ng tingin sa 'kin si Xandro.

"Nadadalas ang pagsakit ng t'yan mo ah. Gusto mo bang samahan kitang magpa-check up? Nag-aalala ako," malambing na aniya kaya hinawakan ko naman siya sa pisngi niya at mabilis na hinalikan sa labi.

"Next week ang next appointment ko. Isa pa, si Tita naman ang kasama ko kaya huwag ka nang mag-alala. Alam kong busy ka rin sa work mo dahil nga nalalapit na ang leave mo dahil sa panganganak ko," sabi ko.

"Okay, pero kung sasakit na naman ang t'yan mo bukas. Mas mabuting pumunta na tayo sa doctor para malaman kung ano'ng lagay ni baby," malambing na sabi ni Xandro bago siya humiga sa tabi ko.

Nakita kong tinuro niya ang kanang braso niya na palagi naman niyang ginagawa, senyales na nais niya akong umunan doon. Napangiti naman ako at dahan-dahan na nahiga ay umunan sa kan'yang braso.

"Take a rest, babe. You are not allowed to stay up late," he whispered.

"Pero maghapon na akong natutulog," nakanguso kong saad. Dahil nakaharap ang likod ko kay Xandro upang 'di maipit ang malaki kong t'yan ay naramdaman kong niyakap niya ako at hinalikan sa lantad kong batok.

"Gusto mo bang dito na rin tumira ang parents mo? Bored na bored ka ba?" tanong niya.

Nakikiliti ako sa mainit niyang hininga sa batok ko.

"Ayos lang naman, nandiyan naman si Aling Dolores na siyang kadaldalan ko buong maghapon," saad ko. Gusto ko syempreng makasama sila Brent kaso hiyang-hiya na ako kay Xandro.

Hindi naman ako ang nagpapasok ng pera sa tahanang 'to.

"Alexandro," I whispered his name lovingly.

"Yes, babe?"

"Have you thought about the name of our child?" I asked. Palagi 'yon sumasagi sa isipan ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Billionaire's SurrogateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon