Enjoy Reading
R-18
Bernadette
Hindi ko inaasahan na ito ang magiging takbuhan ko ngayon. Sagot ba 'to sa problema ko? Hindi. Kaso makakalimot ako pansamantala kapag ito ang tatakbuhan ko.
Tatlong araw ko nang pinag-iisipan kung lalapit ako kay Lance para humingi ng tulong sa kan'ya.
In those three days, Jiji still did not wake up.
Bakit ba magsasayang ako ng pera para sa alak? Pwede naman akong uminom ng mumurahing alak sa bahay. Bakit pumasok ako rito na isang baso lang ng whiskey ay allowance na nila Jiji sa tatlong araw?
I pulled my hair because of the irritation I felt. Naiinis ako ng sobra talaga.
Galit ako pero hindi ko alam kung kanino.
Nakakaisang baso palang ako ng whiskey kasi gusto ko talaga ng matapang na alak na guguhit sa 'king lalamunan kapag ininom ko kaso mukhang tatlo lang ako dahil kailangan kong magtipid.
Papansin lang ako sa part na talagang dito ko ninais na mag-inom ng mag-isa.
Lalayo na sana ako nang mainom ko ang pangatlong baso ng whiskey nang bigla na lang may umupo sa tabi ko rito sa counter.
"It's too early for you to drink alcohol," he whispered.
May hawak din siyang rock class at alam kong whiskey rin ang iniinom niya.
"Whiskey," tumatawang sabi niya at pinakatitigan ako.
Umiwas ako ng tingin sa kan'ya dahil naiinis ako, baka bigla ko na lang siyang suntukin sa mukha, makatulog siya mga 3 months.
Minabuti ko na lang na tumayo na kasi wala na akong pambayad.
"Where are you doing?" he asked.
"Sa impyerno... sama ka?" malamig na tanong ko at sinalubong ang seryoso niyang tingin.
Imbis na magalit siya dahil nga hindi kami magkasundo ay tumawa lang siya.
"People really change when there is a problem, bakit nawala 'yong nakakatawang Bernadette? Nakakapanibago," he whispered. Inisang lagok niya ang laman ng rock glass na hawak niya kaya napairap na lang ako.
I need to stay away from him. Magagalit lang siya at ang ending ay baka magkasagutan lang kaming dalawa.
Maglalakad na sana ako nang hawakan niya ako aa braso ko. "Stay."
Napakunot ako ng noo dahil sa sinabi niya.
"Wala akong oras makipagsagutan sa 'yo. Kailangan ko pang pumuntang hospital para sa kapatid ko," mahinang sabi ko at tatanggalin sana ang pagkakahawak niya sa braso ko nang muli siyang magsalita.
"Come on... Just join me for a drink. Kahit ilang minuto lang," mahinang sabi niya kaya naman titig na titig ako sa mukha niya.
Ilang saglit pa ay nakakailang baso na siya ng whiskey. Binigyan na rin kami ng bartender ng isang buong bote.
"Kung gusto kong uminom... uminom ka na," mahinang sabi niya. Walang nagbubukas ng mapag-uusapan sa 'ming dalawa. Since balak ko rin naman talagang magpakalasing upang makalimot pansamantala ay uminom ako.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Surrogate
Romance"I guess my role ends here... Thank you for using me."