Enjoy Reading :)
Bernadette
Wala sa mamahaling pagkain ang atensyon ko kun'di nasa maliwanag na restaurant kung saan ako dinala ni Xandro. Hindi ko alam kung bakit dinala niya pa ako rito. Ang akala ko kasi ay simpleng pag-uusap lang ang gagawin namin.
Kinakabahan man ako ay hindi na lang ako umangal pa lalo't may atraso pa rin ako sa kan'ya. Hindi ko man naaalala ng buo ang gabing 'yon pero alam kong may ginawa akong hindi maganda.
"A-ano ba ang gusto mong pag-usapan natin?" mahinang tanong ko habang nakatitig sa steak na hindi ko pa yata nagagalaw. Hindi ko alam kahit na alam kong wala akong inaatrasang kahit anong pagkain ay hindi ko magalaw-galaw ang mga pagkain na nakahain sa mesa kung nasaan kami ni Xandro.
Hindi kasi ako komportable.
"Hindi mo ba nagustuhan ang mga pagkain?" seryosong tanong niya kaya naman agad akong umiling.
Balak ko talagang i-take out 'yong tira ko kasi sayang. Baka after 10 years bago ulit ako makakatikim ng steak.
"M-masarap, lumilipad kasi ang isip ko sa gusto mong pag-usapan natin. H-hindi mo naman ako tatanggalin sa trabaho, 'di ba?" Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil nanginginig ang boses ko.
Seryosong nakatingin sa 'kin si Xandro kaya naman napabuntong hininga ako.
"Kung magpapalit ka man ng sekretarya, pwede mo akong ibalik sa dati kong posisyon sa kump—"
"Please, accept our request to be our surrogate," he suddenly said the reason why I gradually tightened my grip on my cutlery.
Akala ko nakaligtas ako tungkol sa bagay na 'yon dahil wala naman si Angel dito. Umasa akong kinumbinsi ni Xandro si Angel na huwag ako ang kunin surrogate lalo't wala naman akong balak na baguhin ang desisyon ko.
Pinakalma ko ang sarili ko at kasabay no'n ang dahan-dahan kong pagbitaw ng mga kubyertos na hawak-hawak ko.
"Ayoko," deretsya kong sabi at sinalubong ang seryosong tingin ni Xandro sa 'kin.
Siya ang unang pumutol sa pagtititigan naming dalawa at nakita ko ring binitawan niya ang hawak niyang kubyertos bago nagpeke ng ubo.
"Why?" he asked he still avoided looking at me.
"Hindi ko kayang ibigay ang anak ko kung nagkataon na magiging surro—"
"Angel is your best friend. You can still see the child, the only difference is. Angel will be the mother of the child. Si Angel ang kikilalaning nanay ng bat—"
"'Yon na nga, ayoko. Hindi niyo ba kayang respetuhin 'yon? Hindi naman basta-basta ang hiling niyang 'yon. Marami namang iba d'yan na willing maging surrogate niyo," mahinang sabi ko kaya tuluyan na akong umiwas ng tingin kay Xandro.
"Magkano?" tanong ni Xandro dahilan kung bakit muli akong tumingin sa seryoso niyang mukha.
Hindi ko naintindihan ang tanong niyang 'yon. Hindi ko alam kung para sa'n ang tanong na 'yon.
"Anong magkano?" nagtataka kong tanong.
"Name your price, Bernadette. Magkano ba ang presyo ng pagpayag mo?" mahinang tanong niya kaya naman naikuyom ko ang kamao ko dahil do'n.
Hindi ko alam pero pakiramdam ko may natapakan siyang kung ano sa pagkatao ko.
"Kahit magkano pa, Bernadette."
"Gano'n ba ang tingin mo sa 'kin? Mabibili lang ng pe—"
"'Pag sinabi kong oo? Papayag ka na ba maging surrogate n—"
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Surrogate
Romance"I guess my role ends here... Thank you for using me."
