Chapter 22

4.7K 90 10
                                        


Enjoy Reading

Bernadette

Naglalakad ako papunta sa ER, tapos na ang operasyon ni Jia at isa lang ang masasabi ko. Nagpapasalamat ako na nakayanan ng katawan niya ang 15 hours sa loob ng OR. Ilang beses daw nawalan ng pulse si Jia pero halata raw na gusto pa niyang mabuhay. Kasalukuyan niyang comatose ngayon dahil sa pagtama ng ulo niya. Marami ring nabaling buto sa buong katawan ni Jia.

Sa murang edad hindi ko alam pero sobrang proud ako kay Jiji. Alam kong hindi pa niya kami iiwan, hindi niya ako iiwan.

Napatigil ako sa paglalakad nang madaanan ko ang chapel dito sa hospital.

Hindi ko alam pero nag-uunahang tumulo ang mga luha mula sa mga mata ko.

Ano'ng gagawin ko r'yan sa loob? Magdadasal? Makikinig ba siya? Ayaw kong iniisip ko 'to pero nagdadalawang isip na ako kung may Panginoon ba, kasi kung meron. Grabe naman siya kung magbigay ng pagsubok.

Hindi naman porke't sinasabi kong kaya ko ay kaya ko talaga. Bakit naman tila kinakalimutan niyang anak niya rin naman ako?

Dumiin ang pagkakahawak ko sa paper bag na naglalaman ng pagkain para sa 'min ni Brent. Dahan-dahan kong tinalikuran ang chapel kung sana nagdarasal ang mga iilang tao sa loob.

Wala namang mangyayari kung isusumbong ko lahat sa sinasabi nilang Panginoon ang lahat.

'Wala namang nakikinig.'

Agad kong nakita si Brent na nasa labas ng ER. Dahil nga hindi pa stable ang lagay ni Jia ay kasalukuyan siyang mananatili niya kaya alam kong kakain siya ng napakalaking pera.

"Ate Bernadette, hindi na po muna ako papasok. Susubukan kong maghanap ng trabaho para sa bills ni Jia rito. Hindi yata kakayanin ng SSS mo," mahinang sabi niya sa 'kin kaya napangiti na lang ako at ginulo ang buhok niya.

Hindi ako sumagot kasi hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ako tumutol kasi, hindi ko kasi kaya.

Hindi ko kaya 'yong magiging bills. Mamaya kailangan ko makapag-down kahit papaano. May savings naman ako pero hindi ko 'yon basta-basta pwedeng ubusin.

"Nag-post din po pala ako, humingi ng kaunting tulong sa social media para makalikot ng pera," mahinang sabi ni Brent at kahit halata ang takot sa mukha niya ay ipinakita niya ang screen ng cellphone niya kung saan nando'n ang information tungkol kay Jia.

"Brent," mahinang sabi ko.

"Malakas na ang impluwesya ng social media ngayon, ate. May ilang nagsesend na rin sa gcash ko. Kaya natin 'to, Ate Bernadette. Dati sumuko na ako dahil sa pagsubok tungkol kay Mama pero ngayon... hindi pwede, kailangan mo ng lakas ng loob," mahinang sabi niya dahilan kung bakit napaiyak ako.

Naipalabas din kasi 'to sa balita. Hanggang ngayon under investigation pa rin ang kaso ni Jia lalo't walang CCTV ang lugar kung saan nabangga si Jia. Wala rin witness na lumabas na labis na pinagtataka ng mga pulis.

"Berns!"

Agad akong napatingin sa kanang bahagi ng hallway nang marinig ko ang boses ni Kassidy.

"Hey! Pasensiya na, tumakas lang ako sa hayop kong boyfriend," sabi ni Kassidy at yumakap sa 'kin nang tuluyan na siyang makalapit.

The Billionaire's SurrogateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon