Enjoy Reading, Sweeties
Bernadette
Nagising ako nang marinig kong tila may kumakalampag sa gate namin. Nakaramdam naman ako ng kaba dahil mag-isa lang ako sa bahay dahil nasa hospital si Brent para bantayan si Jiji samantalang kailangan kong manatili rito sa bahay dahil nga maaga pa ako sa trabaho bukas.
Lumabas ako sa kwarto ko at pumunta agad sa kusina para kumuha ng kutsilyo. Walang magtatanggol sa sarili ko kundi ako lang.
Dahan-dahan akong naglakad papuntang bintana upang silipin kung sino ang nasa labas. Dahil nga gawa sa bakal ang gate namin at may maayos na ang ilaw sa poste malapit doon ay kitang-kita ko si Xandro.
Nagmamadali akong lumabas at naglakad papalapit sa gate namin.
"A-anong ginagawa mo rito?" gulat na tanong ko.
Hating gabi na rin kasi at sino'ng siraulong pupunta sa ibang bahay ng ganitong oras.
"B-Bernadette," tawag niya sa akin.
Nagsalubong ang mga paningin naming dalawa kaya naman nagulat ako. Nang tuluyan kong buksan ang naka-lock na gate ay naamoy ko agad ang matapang na amoy ng alak kay Xandro.
"L-lasing ka ba?" gulat na tanong ko.
Nakita kong pinilit niyang tumayo ng maayos bago umilis.
"H-hindi... h-hindi ako lasing," sinisinok na sabi niya. Kinakain na rin kasi niya ang salita niya kaya alam kong lasing siya.
"Xandro, ba't ka nandito?" kinakabahang tanong ko.
Hindi dapat siya narito. Hindi pwedeng nandito siya tapos lasing pa siya. Ngayon na may alam na si Angel, hindi niya kami pwedeng makita na laging magkasama.
"I-I d-don't know," he murmured.
He staggered towards me. Agad kong ibinaba sa gilid ang hawak kong patalim upang alalayan siya sa paglalakad niya.
"Xandro," mahinang tawag ko sa pangalan niya.
"S-saan s-sinabi mo muna sa 'kin ang balak mong pag-amin kay Angel," mahinang sabi niya kaya nagtaka ako. Hindi ko naunawaan ang ibig niyang sabihin sa sinabi niya.
"U-umalis ka na kaya?"
Nanlaki ang mga mata ko nang naramdaman ko ang mainit na suka ni Xandro sa kanang balikat ko kaya naman napabuntong hininga ako.
Hindi siya makakauwi sigurado doon. Hindi na niya kayang mag-drive pa pauwi.
Mukhang alam niyang sinukahan niya ako dahil lumayo siya sa akin at pinilit ang sarili na tumayo ng tuwid.
"S-sorry," mahinang sabi niya at humawak sa kanang balikat ko at tila pinupunasan ang suka niya sa balikat ko at aksidenteng tumama sa dibdib ko ang mga palad niya kaya agad kong hinawakan ang mga kamay niya.
Mapupungay ang matang tumingin siya sa akin.
"Halika na sa loob," mahinang sabi ko at muli siyang inalalayan. Nang maayos na siyang nakaupo sa sofa rito sa livingroom ay agad akong pumasok sa loob ng kwarto ko para kunin ang cellphone ko.
Tatawagan ko si Angel para malaman niyang nandito si Xandro.
Nakita kong alas dos na ng madaling araw. Napakagat ako sa ibabang labi ko bago ko idinial ang number ni Angel.
'Sorry you do not have enough load in your account to make this call, mag-reload at mag-register sa promo para tuloy-tuloy ang kwentuhan—'
Napasapo na lang ako sa noo ko dahil sa narinig ko. Mahirap pala ako kaya hindi ko alam kung kailan nakalasap ng load ang sim card ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/280094084-288-k455144.jpg)
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Surrogate
Romance"I guess my role ends here... Thank you for using me."