Enjoy Reading, Sweeties
Bernadette
"S-sorry p-po, Ate Berna," nanghihinng sabi ni Jiji sa 'kin. Marahan kong hinawakan ang kamay niya. Naka-cast pa 'to at alam kong hindi pa niya nararamdaman ang haplos ko pero ang importante ay stable na ang lagay niya at gising na siya.
"Ano ka ba? Ayos lang," mahinang sabi ko. Kahapon lang siya nagising. Baon na baon na nga rin kami sa utang pero kinakaya ko. Nailabas ko na ang mga ipon ko para lang makapagbayad ng bills niya.
Nakita kong umiiyak siya kaya naman tumawa na lang ako.
"Jiji ayos lang... ang importante ay gising ka na at magpapagaling ka," mahinang sabi ko. Nang makita kong tumango siya ay napangiti na lang ako.
Ang mahalaga ay buhay ang kapatid ko at patuloy na lumalabas. Malaking tulong naman ang natatanggap naming tulong dahil sa pi-nost ni Brent sa nangyari kay Jiji.
Ang maliliit na halagang natatanggap namin mula sa mga taong hindi namin kilala ay lumalaki kapag pinagsama-sama. Ang mamahal kasi ng mga gamot ni Jiji.
Ilang saglit pa ay tulog na si Jiji. Palaging minuti lang na gising si Jiji at sabi naman ng doctor ay normal 'yon dahil nga nag-re-recover palang ang katawan ni Jiji sa mga gamot na itinurok sa kan'ya.
Madalas pa siyang nahihilo kaya mabuti lang na makatulog siya palagi.
"Ate Bernadette... 'di ba may pasok pa po kayo?" tanong ni Brent na kapapasok lang sa loob ng pribadong kwarto ni Jiji.
"Hinihintay lang kitang dumating... ikaw na muna ang bahala kay Jiji habang nasa trabaho ako, kapag may mangyaring hindi maganda ay tawagan mo ako, maliwanag ba?" tanong ko kay Brent na agad namang tumango.
Kapag walang klase si Brent ay siya ang nagbabantay kay Jiji. Kapag meron naman ay sila Uncle Caston at si Tatay.
Inaantok din ako dahil dalawang linggo na akong palaging kulang sa tulog. Nahirapan din akong makahanap ng trabaho, halos isang buong linggo akong nag-aapply da mga makikitang kong available na pasukan.
Kulang na nga lang ay patusin ko na rin magtrabaho sa loob ng club.
Isa akong Financial Assistant sa isang supermarket. Malaking supermarket naman tsaka hindi naman 'to full time dahil balak ko pa rin naman magtrabaho sa isang kumpanya talaga katulad ng nakasanayan ko.
Kailangan ko lang tanggapin ang trabaho kaysa matengga ako. Hindi pwede... ang lakas kong kumain at isa pa ay kailangan na kailangan namin ng pera para sa pagpapagamot ni Jiji.
Papara na sana ako ng taxi nang may kotseng pumarada sa harapan ko.
"Sakay," mahinang sabi ni Lance dahilan kung bakit natigilan ako.
"M-may trabaho ako," mahinang sabi ko. Hindi ko na natuloy ang plano kong kausapin siya para humingi ng tulong.
Hindi ko nga alam kung bakit siya nandito ngayon. Baka nakita na niya 'yong post ni Brent since friends naman sila sa kahit na sanang social media.
"Tsaka na tayo mag-usap," mahinang sabi ko. Wala akong gana na makisalamuha sa sanlibutan ngayon. Tinatamad din akong makipagsuntukan sa problema kaya minabuti kong maging tahimik sa dalawang linggong 'yon.
Walang kahit na ano akong natanggap kay Xandro nang ipadala ko ang resignation letter. Meron naman... 'yong sahod ko lang ng isang buwan na siyang pumasok sa band account ko. Maliban doon ay wala na.
Ayos na rin naman 'yon. Wala naman siyang pakialam at mabuti at nagkakaintindihan kami na kalimutan na lang ang kung anong namagitan sa 'min nang gabing 'yon.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Surrogate
Romance"I guess my role ends here... Thank you for using me."
