Chapter 12

5.4K 105 22
                                        

Enjoy reading, Sweeties:)

Bernadette

Perhaps alcohol is used by someone with serious problems in their lives as a temporary distraction.

"Angel, kung 'di lang kita kaibigan ay kanina ko pa naipalo ang ulo mo sa pader," biro ko lalo't kanina ko pa siya inaalalayan.

Sa wakas nga ay narating na namin ang kwarto nila ni Xandro.

Kanina pa kasi naglalasing si Angel. Lahat ng sama ng loob niya ay nasabi na yata niya lahat. Ganito rin siguro si Kassidy nang gabing nalasing ako dahil sa nalaman ko tungkol kay Lance.

Kaibigan ako ni Angel, ang kaya ko lang gawin ngayon ay maging takbuhan ni Angel ngayon na may kinakaharap siyang malaking problema.

It was as if she was sentenced to eternal suffering.

Wala nang sasakit pa sa babaeng tila tinaggalan ng pagkakataon na maranasan ang maging Ina. 'Yon ang pangarap ni Angel kaya alam kong napakabigat ang loob ni Angel ngayon.

Nang maihiga ko siya ng maayos sa kama nila ni Xandro ay dahan-dahan ko siyang kinumutan. Wala pa si Xandro kaya naman malaya akong nakakakilos sa condo nilang dalawa nang walang hiyang nararamdaman.

Ang sarap siguro talagang maging mayaman. Sobrang gara ng condo nila.

Muli kong nakita ang pagpatak ng mga luha mula sa mga mata niya habang nakapikit si Angel.

Nasasaktan man ako dahil sa pinagdadaanan niya ay sa ngayon katulad niya ay hindi ko rin alam ang gagawin ko.

Hindi ko alam kung paano ko mapapagaan ang loob niya lalo't katulad niya ay may pinagdadaanan din ako.

Tinatawanan ko lang lahat ng problemang meron ako pero alam ko sa sarili ko na unti-unti akong pinapatay nito.

I am a breadwinner in my family. I have to give them something especially since they all depend on me. The only person I thought was my home left me too.

Iniwan niya ako sa ere. Niloko at pinaasa.

"Angel, mahal na mahal kita pero kailangan kong kumain," mahinang sabi ko nang marinog kong tumunog ang t'yan ko.

Kapag nag-iisip ako ng kung ano-ano kailangan may nginunguya ang bibig ko. Pakiramdam ko kasi ang pagkain na nasa bibig ko ang mga problema ko sa buhay.

Kahit na labag sa loob ko ay iniwan ko pansamantala si Angel na alam kong lasing na lasing dahil kadarating lang namin dito kanina at alak na ang pinuntirya.

Ganito siguro kapag mayayaman, may sariling bar sa bahay.

Kaso nang buksan ko ang refrigerator nila Angel ay tila nadismaya ako. Bakit naman kasi panay dahon ang nasa loob ng ref nila Angel?

Titig na titig ako sa laman ng ref nila Angel. Umaasa ako na may mahahagip ang mga mata ko na pagkain na magugustuhan ko.

"Hi."

"Mama mo hi!" sigaw ko dahil sa gulat.

Nasilayan ko si Xandro na nakasandal sa hamba ng pintuan ng kusina.

The Billionaire's SurrogateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon