Cedrick Arsagon POV
Napatigil ang kasiyahan ng kuya ni Ash ng may biglang dumating na Limang bakla at mukhang galit na galit ang mga ito, Kitang kita ko sa nag aalab na mata nung nasa unahang bakla ay kay Theo siya nakatingin ng masama at hindi nga ako nagkamali ng hablutin nito yung buhok ni Theo at kinaladkad.
Dahil si Theo yon, mabilis akong tumayo para pigilan ang kamay nung bakla.
" Ano, Baklaa?? Nilalandi mo na naman Boyfriend ko?? Malandi ka talaga " Sabi ng kumaladkad kay Theo, Ginawa ko lahat ng paraan makawala lang ang buhok si Theo sa Kamay nya.
" Bakit ako sinisisi mo?? Siya yung lapit ng lapit, Hindi din ako basta basta lumalandi kapag alam kong may sabit " Theo, Bigla namang lumipad si Unicorn sa isang kasama nung Bakla kaya nagkagulo na talaga.
May mga naghagis ng upuan, May nag bato ng bote at isa lang ang naiisip ng utak kong gawin, Ang Yakapin si Theo kahit pa anong gawin nyang pagpalag ay hindi ko siya hinayaang magantihan ng nasasabunutan nya.
Kinabukasan ay napakasakit ng ulo ko, Mabuti nalang at natigil din ang away ng may dumating na mga tanod at galit na galit yung tatay nila Ash, Bago kami maghiwalay ni Theo ay chineck ko muna kung may natamo ba syang sugat pero pasalamat nalang ako dahil ni isang kalmot ay wala syang natamo.
Napatingin ako sa salamin at nakita ang sarili ko, Nakahubad ko sa kama habang ang kumot ko ay nasa Tyan ko na.
Kita ang Sugat ko sa braso, Sa Tenga, sa Mata, Sa pisngi, Putik may bumasag ba naman ng bote sa ulo ko, Iba talaga magalit ang mga bakla, Parang lalaki pa din.
Napakagulo ng buhok ko kaya ng subukan ko itong ayusin ay napamura pa din ako, Ang hapdi kasi ng anit ko baka may bubog pang natira dito, Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Mama na May dalang maliit na batya, Umuusok ang laman nito kaya nang ilapag nya sa sahig yung batya ay nakita ko ang laman.
Kulay black na tubig at may lumulutang na Dahon ng bayabas, May bimpo ding kinuha si Mama at pinigaan ito.
" Mabuti at gising ka na, Ako pa ba magpupunas ng sugat mo?? Iyan na nga ba sinasabi ko sa Pag inom inom mo kasama mga barkada mo Cedrick eh, Napapaaway pa kayo, Manong ilagay ang alak sa Tiyan 'wag sa ulo " Mama, Sabay abot sa akin ng Bimpo.
" Hindi naman kami ang sumugod eh, Sila " Sabi ko dito.
" Hay, Nako Pag uwi ng tatay mo anong irarason mo dyan " Mama.
" Sasabihin ko ang totoo " Sagot ko, Napahawak nalang si Mama sa Noo nya.
" Ako na bahala dito, Ma " Sabi ko.
" Papasok ka pa ba ngayon?? " Mama, Napatingin ako sa oras, Malapit ng magtanghalian at mukhang hindi ko talaga kayang tumayo.
" Bukas nalang siguro, Ma Magdadala nalang ako letter bukas " Sabi ko dito.
" Edi, Magpacheck up ka nalang mamaya, Kung hindi ko nagamot yang sugat mo kagabi naimpeksyon na yan " Mama, Sabay turo sa sugat ko sa Braso, Akala ko dudutdutin nya yung sugat kaya mabilis ang ginawa kong pagilag kaya nabanat yung iba kong medyo tuyo ng sugat.
" Ahhh, Ahh!! Arayy, 'wag mo ng hawakan, Ma " Reklamo ko dito habang iniinda ang mga sumakit na sugat ko.
" Tss, at talagang ako pa sinisisi mo sa nangyari sayo " Mama.
Ilang araw lang ang hindi ko napasok, Dahil nagpacheck up,Nagpaturok ng anti tetano, Basta mapagaling lang yung sugat ko.
Ready na ako sa paglabas ng bahay ng biglang mag salita si Mama mula sa kusina, Mabuti nalang at hindi pa nakauwi si Papa habang pinapagaling ko yung mga sugat ko, Dahil tiyak kailangan namin hanapin yung mga gumawa nito sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/335251116-288-k333477.jpg)
YOU ARE READING
Boy's Love Short story
Short StoryThis is only a Short Stories for my Readers, Iba't ibang character Iba't ibang kwento. Requested story from my readers. Hindi porket Reader kita hanggang taga basa kalang habang buhay dahil dito hayaan mong bigyan kita ng spot light na maging bida. ...