Chapter 4: Enemies

489 20 11
                                    

Chapter 4: Enemies

ALLEA'S POV

*Continuation of the flashback*

Halos isang linggo na ang nakalipas magmula noong nalaman ko ang panlolokong ginagawa sa akin ng aking boyfriend at ng aking pinakamatalik at nag-iisang kaibigan.

Hindi naman na ako nagpakatanga pa at kaagad ko ring hiniwalayan si Alfred. Hindi na rin ako muling nakipag-usap pa kay Faye kahit na katabi ko siya sa upuan.

Hindi ko sinabi sa kanila na nalaman ko ang kalapastanganang ginagawa nila sa likod ko... hindi ko rin naman kasi alam kung paano ko sa kanila sasabihin na alam ko na.

Nakipaghiwalay ako kay Alfred at ang sinabi kong dahilan ay nagsawa na ako sa relasyon namin. Hindi ko alam kung nainis ba siya sa sinabi ko o ano, pero kahit na ano pa man ang naging reaksyon niya noong nakipaghiwalay ako sa kaniya ay patuloy niya pa rin akong kinukulit. Kinukulit din ako ni Faye kung bakit hindi ko na raw siya kinakausap o pinapansin.

Hindi ba sila marunong makiramdam?

Aaminin ko, ilang araw na rin akong hindi makapag-concentrate sa pag-aaral nang dahil sa nangyari, pero ganoon pa man ay pinipilit kong maging matatag at mag-focus sa pag-aaral.

"Allea, can you come here?" Napatingin naman ako sa aming adviser. Nakita ko rin sa tabi niya si Bea na tila ba nahihiya.

Tumayo naman ako at lumapit sa kanila. "Yes po ma'am?"

"Puwede ka ba munang makipagpalit ng puwesto kay Bea?" Napatingin naman ako sa puwesto ni Bea na nasa pinakalikod na row. "Nasira kasi 'yong salamin niya at kasalukuyan pang pinapagawa. Nearsighted kasi siya–"

Hindi ko na pinatapos pa ang sinasabi ng aming adviser at kaagad akong tumango. "Sure po ma'am, wala pong problema."

Noong nakaraan ko pa talaga gustong makipagpalit ng puwesto kaya nga lang ay hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa adviser namin. Masyado na kasi akong naiirita sa katabi kong ahas.

"Thank you for being understanding, Allea."

Nginitian ko na lamang ang aming adviser at kinuha ko na ang aking mga gamit upang lumipat sa puwesto ni Bea.

Bakante ang upuan sa tabi ni Bea kaya naman napaisip tuloy ako kung sino ba ang nakaupo rito. Mukhang absent yata ang katabi niya.

Natapos ang buong araw at inaayos ko na ang aking mga gamit nang biglang mahagip ng aking mga mata ang isang kulay blue na panyo na nasa loob ng aking bag.

Oo nga pala ibabalik ko pa 'to sa kaniya.

Ayoko man na ibalik ito sa kaniya, kaya nga lang ay mukhang mamahalin ito.

Ayoko pa namang magkautang sa mokong na 'yon.

Tsk! Hindi ko pa siya nakita sa klase ngayong oras.

Ay oo nga pala, may training sila ngayon at para maibalik ang panyong ito ay kailangan kong pumunta sa lintek at buwisit na volleyball court.

"Buwisit nga naman!" Pabalang kong sira ang zipper ng aking bag at isinukbit na ito sa aking balikat.

Pumunta ako sa gymnasium at tama nga ako, nandoon nga siya, sila actually.

Nagta-training nga sila ngayon.

Hindi ko alam kung hahakbang pa ba ako papalapit sa kanila para lang isoli ang panyong ito.

Bahala na nga! Mukha kasing mamahalin 'to at baka gamitin niya pa 'to against sa akin!

To Love thy EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon