Chapter 32: Drunk

407 10 0
                                    

ALLEA'S POV

Isang linggo na ang nakalipas magmula noong tumira ako rito sa bahay ni Raven.

Hindi rin ako lumalabas ng bahay dahil wala naman akong gagawin sa labas. Isa pa, tingin ko ay mas safe rito sa loob kaysa sa labas lalo na't hindi ko naman kakilala ang mga kapitbahay namin dito.

Weird man pero I found his place a safe place.

Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko, magmula kasi noong nabasa ko ang nakasulat sa journal ni Raven ay nag-iba bigla ang pananaw ko sa kaniya. Like hindi na ako masyadong nagagalit sa kaniya, hindi ko na rin siya minumura.

Nagiging good girl na yata ako nang dahil sa journal niya.

Nandito na rin ngayon sa bahay ni Raven sina Jordan at Max, madalas silang naglalaro pero mas madalas silang tulog.

Bored na bored na nga rin ako rito sa loob ng bahay dahil nga ako lang naman mag-isa ang narito. Minsan lang din kami nagkakausap ni Chescka lalo na't madalas siyang nagpapahinga.

Mabuti na nga lang talaga at may 65 inch flat screen TV dito sa loob ng kuwarto ko. Naaaliw ako kahit papaano sa panonood ng mga movies at series. Kaya nga lang ikaw ba naman ang manood lang sa loob ng isang buong linggo tingnan natin kung hindi ka magsawa.

Siguro sa iba matutuwa sila na ganoon lang ang buhay nila, pero para sa akin kasi na sanay na puro trabaho ang inaatupag ay nabo-bored ako sa ganitong klaseng buhay.

Ibinigay na rin sa akin ni Raven ang account niya sa Netflix para daw makapanood ako rito sa TV, kaya nga lang parang wala naman na akong mapanood na maganda. Halos napanood ko na kasi 'yong mga magaganda.

Hays! Si Michael naman kasi ayaw sabihin sa akin kung ano ba ang puwede kong gawin! Ayaw niya ring sabihin sa akin ang update sa kompanya maging sa mga hotels na pagmamay-ari ko. Maayos naman daw ang lahat kaya 'wag na raw akong mag-alala at mag-relax na lang ako. Hindi naman 'yon ang gusto kong marinig! Ang gusto kong marinig ay kung ano ang mga bagay na dapat kong gawin, like ano ba ang puwede kong magawa sa trabaho habang nandirito ako o ano.

Ang boring talaga!

At dahil nga wala akong mapanood na series at movies naisipan ko na lang na manood ng mga vlogs ng mga vlogger.

Ang tagal din bago ako nakahanap ng magandang vlog mula sa isang sikat na vlogger.

Tawa ako nang tawa sa mga contents niya. Ang funny niya kasi at ang entertaining pa.

Binabawi ko na 'yong sinasabi kong gusto kong matrabaho, masaya naman pala kasing mag-relax.

"Hey what's up guys! It's Toby!" panimula niya sa kaniyang vlog.

Inabot din yata ako ng ilang oras sa panonood ng mga vlog ni Toby hanggang sa napag-alaman ko mula sa kaniyang vlog na taga-Antipolo pala siya.

Medyo pamilyar din sa akin ang bahay niya na parang nakita ko na mula sa kung saan.

Hapon na nang matapos ako sa panonood ng mga vlogs niya. Hindi ko naman pinanood ang lahat ng mga vlogs niya dahil for sure ay aabutin ako ng isang linggo sa rami ng mga videos niya. Matagal na kasi siyang vlogger.

Sumasakit na rin ang mga mata ko sa kapapanood sa TV kaya naman naisipan kong ilabas muna saglit sina Max at Jordan.

Baka kasi mamaya bored na rin sila rito sa loob ng bahay tulad ko.

Nanatili lamang ako sa terrace habang hinayaan kong tumakbo sina Max at Jordan. Sarado naman ang gate kaya kampante akong hindi sila makalalabas.

Habang pinagmamasdan ko sina Max at Jordan na naglalaro ay may nahagip ang aking mga mata.

To Love thy EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon