Chapter 22: Polo

350 9 0
                                    

ALLEA'S POV

"I really can't believe na kayo talaga!" halos patili na wika ng isa sa dati naming naging kaklase.

"Mukha kayong rivals noon!" gatong pa ng isa. "Pero mukhang for show lang 'yon dahil lovers talaga kayo!"

Nagtilian sila na para bang may nakakakilig sa mga pinagsasabi nila.

Kanina pa talaga nila kami inaasar ni Raven at kahit anong paliwanag ko na hindi naman talaga kami ay ayaw nilang maniwala. Ito rin kasing si Raven panay ang sabi na 'wag na raw akong mahiya at hindi na dapat namin itago ang relasyon namin.

Sira ulo talaga, panay imbento ang buwisit!

Kanina pa rin pabalik-balik ang tingin sa amin ni Chescka na mukhang kinakabahan na lalo na sa akin.

Kanina ko pa rin kasi talaga gustong sumabog sag alit at inis kaya lang ay nagtitimpi ako dahil ayoko namang gumawa ng eksena rito.

Kasalukuyan kaming kumakain ng dinner ngayon at hindi rin ako na-inform na may pa-catering pa pala.

Mukhang big time talaga ang kung sino man na nag-sponsor ng reunion namin na 'to. Sabi nila ang kaklase raw namin na si Frank ang nag-sponsor nito, kaya nga lang ay hanggang ngayon ay wala pa rin siya.

"Do you want more?" Agad akong napatingin kay Raven na nasa aking tabi. Isa pa 'to sa kinaiinisan ko eh, kanina pa siya dikit nang dikit! Parang linta! "I'll get you some if you want more."

Napatingin ako sa aking pinggan at napansin kong paubos na pala ang pagkain ko.

"Yiee!! Ang sweet niyo naman! Baka langgamin kami rito!" pang-aasar ng isa naming ka-batch na kasama namin ngayon dito sa table.

Hindi ko na rin naiwasan na tingnan ang mga tao sa aming paligid na kanina pa talaga kami tinitingnan at pinag-uusapan.

Naiinis na talaga ako!

Muli akong lumingon kay Raven at binigyan siya ng isang matamis ngunit pekeng ngiti. "Sige, tara. Let's get some." Tumayo na ako at kinuha ang aking pinggan. Ganoon na rin ang ginawa ni Raven at sumunod na siya sa akin.

"Itigil mo na 'to, Raven, hindi na talaga ako natutuwa," may pagbabanta kong bulong sa kaniya habang kumukuha kami ng pagkain.

"Ayaw mo ba no'n? Naiinggit 'yong dati mong best friend?" Lumingon siya sa aming likod kaya naman lumingon na rin ako upang tingnan ang kaniyang tinitingnan. Nakita ko naman si Faye at ang mga alipores niya na nasa kabilang table na masama ang tingin sa amin ni Raven.

Kung nakapapatay nga lang talaga ang tingin ay malamang kanina pa nila kami napatay sa talim ng mga tingin nila sa amin.

"Just stop this. Hindi ako natutuwa." Tiningnan ko si Raven bago ako naunang bumalik sa aming puwesto.

"Ang sweet n'yo talaga! Naiinggit ako!" bungad na sabi ng aming dating kaklase pagkaupo ko sa aking upuan. Naramdaman ko rin ang pag-upo ni Raven sa aking tabi ngunit hindi ko na siya pinansin pa at nagpatuloy na lang ako sa pagkain.

"Nagustuhan mo talaga 'yong carbonara, Allea?" Napatingin ako sa babaeng nagsalita sa aking harap. "Pansin ko kasi parang halos 'yan lang ang kinakain mo."

Tumango ako at muling nagpatuloy sa pagkain. "Yeah, I've been craving for this. Masarap din kasi kaya binabalik-balikan ko."

"Oh my gosh! Are you pregnant?!"

Nabulunan naman ako nang marinig ko 'yon.

Ano raw?!

"Allea! Tubig!" Natatarantang iniabot sa akin ni Chescka ang isang basong tubig na nasa aming harapan. Agad ko namang kinuha 'yon at uminom ng tubig.

To Love thy EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon