Chapter 28: Antipolo

342 9 0
                                    

ALLEA'S POV

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil nasaksak ako at napunta sa ospital at nalaman nilang hindi talaga ako buntis, o dapat ba akong malungkot dahil nasa ganito akong kalagayan ngayon.

Well at least naayos na ang kaguluhang ginawa ni Raven.

Isang linggo na akong naka-confine sa ospital ngayon. Maayos naman na ang kalagayan ko pero ayaw pa rin nila akong palabasin dito lalong lalo na si Raven.

Magmula nga noong tumungtong ako rito sa ospital ay hindi na umalis sa tabi ko si Raven, bagay na mas lalo ko pang ikinakainis.

Makita mo ba naman ang mukha ng taong kinaiinisan moa raw-araw, tingnan natin kung hindi ka mainis.

Bawat pagmulat ng mga mata ko laging si Raven ang bumubungad sa akin. Talagang hindi na talaga siya umalis sa tabi ko. Hindi ko nga alam kung umaalis ba siya habang tulog ako o baka talagang naka-glue na 'yang puwet niya sa upuang nasa tabi ko.

Nakababaliw nga dahil sobrang nag-alala ang mga magulang namin, well mga magulang lang talaga ni Raven ang sobrang nag-alala, lalo na't akala talaga nila ay buntis ako. Sa sobra ngang pag-aalala nila ay sinabihan nila ako na tumira na lang daw kasama ni Raven para sa kaligtasan ko.

Pero ako?! Titira sa iisang bubong kasama si Raven?! Yuck!

Mas gugustuhin ko na lang na masaksak ulit kahit sa dibdib pa basta hindi ko lang makasama si Raven sa iisang bubong.

Wala nga rin pala akong balita kung nasaan na ba si Alfred o kung ano ang nangyari sa kaniya, ayaw naman kasing sabihin sa akin ni Raven at ayaw niya rin namang sagutin ang mga tanong ko tungkol sa bagay na 'yon.

Pero for sure nasa kulungan na ngayon si Alfred.

"Hey, Raven," tawag ko sa kaniya. Kasalukuyan siya ngayong nagbabalat ng mansanas sa aking tabi.

"Yes?" Sandali siyang huminto sa kaniyang ginagawa upang tingnan ako.

"I want to go home na," nalalata kong sabi. "Pagod na pagod na akong humiga at umupo sa kamang 'to. Kailangan ko na rin magtrabaho."

Umiling siya at ipinagpatuloy ang kaniyang ginagawa. "Don't think about work muna, I'll handle your pending works."

"I want to go home, Raven," pag-uulit ko.

"You'll be discharged later."

Agad akong nabuhayan ng loob nang dahil sa sinabi niya.

"Really?!" Napabangon ako sa aking higaan.

Finally!

Sawang-sawa na ako sa amoy ng ospital ay ayoko na ring humiga lang dito buong araw! Finally makakauwi na rin ako!

"Yeah." Hiniwa niya ang mansanas na kaniyang binabalatan at itinapat ang isang slice nito sa aking bibig. "But you have to eat this first."

Tumaas naman ang aking kilay kasabay ng patingin ko sa slice ng mansanas na nakatapat sa aking bibig. "Ayoko na! Malinis ba 'yan?!"

"Excuse me? Malinis 'to!" Tumaas din ang kilay ni Raven. "Ipapakain ko ba sa'yo 'to kung hindi malinis?"

"Hindi ako naniniwalang malinis 'yan." I crossed my arms. "Galing sa kamay mo, eh."

"Naghugas ako ng kamay."

"So? Hindi porket naghugas ka ng kamay bago mo hinawakan 'yan-"

Bigla na lamang niyang isinubo sa akin ang piraso ng mansanas na kanina lang ay nakatapat sa akin bibig.

"Eat it if you want to get out of here." He smiled.

The f*ck?

"Sabihin mo nga, may lason 'to 'no?" tanong ko habang nginunguya ang isinubo niya sa akin na mansanas.

To Love thy EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon