Chapter 35: Letting you go

540 10 0
                                    

ALLEA'S POV

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako kaiiyak kagabi, at ang malala pa niyan ay nakatulog pala akong nakayakap kay Raven.

Ang ending? Nagising akong magkayakap kaming dalawa.

Kadiri!

Bakit ba kasi ang drama ko kagabi? Masyado yata akong nagpaapekto roon sa kamukha ni Alfred.

Pero aaminin ko, napakalma ako ni Raven kagabi.

"Hays! Nakakabaliw naman na buhay 'to!" inis kong sabi at ginulo ko ang aking buhok.

Wala na ngayon dito si Raven dahil pumasok na siya sa trabaho, which means solo ko na naman ang bahay niya at wala na naman akong ibang gagawin ngayon kung hindi ang manood na naman ng TV.

Umiinat akong lumabas sa aking kuwarto at saktong paglabas ko ay nahagip ng aking mga mata ang opisina ni Raven dito sa kaniyang bahay.

Hindi ko alam kung ano na naman ba ang pumasok sa aking isipan at pumasok ako roon.

Nilibot ko ang buong lugar at huminto ako nang mapansin ko ang isang kalendaryo na nasa table niya.

Ano'ng araw na nga ngayon?

Kinuha ko ang aking cell phone mula sa aking bulsa at nakita kong October 24 na pala ngayon.

Muli kong ibinalik ang aking paningin sa kalendaryong nasa lamesa ni Raven at nakita kong nakabilog ng kulay pulang marker ang October 27.

Ano'ng mayroon sa 27?

Sandali akong napaisip hanggang sa napagtanto kong kaarawan nga pala 'yon ni Raven.

How could I forgot?

Naalala ko tuloy noong naki-birthday kami sa bahay nila at nasira ko ang birthday niya.

Ang dami ko na palang atraso kay Raven.

Para namang may sarili buhay ang aking mga kamay nang binuksan ko ang drawer sa lamesa ni Raven.

Nandoon pa rin ang zip lock bag na naglalaman ng pocket watch niya at mga bubog nito.

Nabasa ko sa journal ni Raven na mula pala 'yon sa lola nila. Ibinigay pala 'yon sa kaniya bago ito mamatay kaya naman ganoon na lang ang pagpapahalaga ni Raven sa pocket watch na ito.

Kinuha ko ang zip lock bag at isinarado ko na ang drawer ni Raven.

Hindi naman niya siguro mapapansin na wala 'yong pocket watch niya.

Mukha naman kasing hindi binubuksan ni Raven 'yong drawer niya dahil ganoon pa rin naman ang puwesto ng mga gamit niya magmula noong pinakealamanan at isinoli ko ang mga 'yon doon.

Bumalik na ako sa aking kuwarto at nagbihis.

Iniwanan ko lang din muna ng pagkain sina Max at Jordan bago ako lumabas ng bahay.

Wala akong susi kaya hindi ko naman puwedeng i-lock 'yong pinto at gate dahil paano na ako makakapasok niyan mamaya kung ilo-lock ko pa 'di ba?

Wala naman sigurong akyat bahay rito.

Lumabas ako sa subdivision at nag-commute lang ako papunta sa mall na pinuntahan namin kahapon ni Raven.

Habang nasa byahe kasi kahapon ay inaral at sinuri ko na kung ano ba ang mga dadaanan at sasakyan para makapunta sa mall nila rito.

Oo hindi ako pamilyar sa lugar na ito, pero at least alam ko pumunta sa mall nila para naman hindi ako masyadong ma-bored sa bahay.

Napansin ko kahapon na may pagawaan ng mga relo at kung ano-ano pa sa mall na pinuntahan namin at 'yon ang pupuntahan ko ngayon.

To Love thy EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon