Special Chapter #2

251 5 3
                                    


Raven's POV

"Raven! What the heck did I hear about you?! Sinuntok mo raw ang team captain ninyo at nag-quit ka sa volleyball?! You're just new, yet here you are, creating stupid troubles again! Akala ko ba okay ka na sa bago mong school? Akala ko ba magtitino ka na?"

'Yan kaagad ang bumungad sa akin pagkauwi ko ng bahay.

Hindi ko pinansin si Dad at ang mga sinasabi niya. Dumiretso kaagad ako sa aking kuwarto ngunit sinundan niya pa rin ako.

"Ano na naman ba 'tong pinaggagagawa mo, Raven?! What's wrong with you?!

Hindi ko na napigilan pa ang pagngitngit ng aking ngipin nang dahil sa kaniyang huling mga sinabi.

Huminto ako sa tapat ng aking kuwarto at hinarap siya. "What's wrong with me?! Really, Dad?!" I sarcastically said. "What's wrong with you, Dad?! Bakit ba tingin palaging ako na lang ang mali?! Ni hindi mo lang ba tatanungin kung ano talaga ang mga nangyari?! Kung bakit ko siya sinuntok?! Kung bakit ako nag-quit sa volleyball?! Hindi mo man lang ba talaga ako tatanungin?!"

Hingal na hingal ako matapos kong sabihin ang mga iyon, samantalang natigilan naman si Dad at napatulala sa akin.

Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko. Dati naman ay wala akong pake kapag nalaman kong nag-cheat ang kaibigan ko sa girlfriend niya. Pero bakit ngayon galit na galit ako kay Alfred na hindi ko naman kaibigan? Ni hindi ko nga rin kaibigan si Allea, so why do I feel so bad and guilty na hindi ko kaagad sinabi sa kaniya ang mga nalaman at nakita ko?

Kung hindi ko sinuntok si Alfred kanina, hindi ako mapapagalitan ni Dad. Pero bakit ba kahit na pinapagalitan na ako ngayon ay wala akong pagsisising nararamdaman? At higit sa lahat, bakit ba gusto ko ngayong patunayan kay Dad na ginawa ko 'yon nang may rason at hindi lang dahil gusto kong gumawa ng gulo?

"Raven," Dad mumbled. "Okay. Go tell me what happened."

I chuckled. "Okay, fine. Hindi naman kita masisisi, Dad. Siguro ay nasanay ka lang na gumagawa ako ng gulo dahil lang wala akong magawa sa buhay at dahil lang gusto ko ng thrill. But let me tell you, Dad. For once in my life, I punched a guy for a reason, excluding that I am mad at him. I punched him because he's a cheater who cheated on Allea."

I didn't wait for him to respond as I went inside my room and slammed the door.

"F*ck," I mumbled as I threw my bag on the bed.


I ran over my fingers on my hair as I sat on the end of the bed. I deeply closed my eyes to help me reflect and understand what I did earlier.

I love playing volleyball. Bihira nga lang ako makakuha ng pagkakataon na makapaglaro nito. Mas gusto ko ang volleyball kaysa sa chess at golf. Dati na rin akong varsity player sa school ko sa U.S., natanggal nga lang ako dahil sa bad records ko.

Iba ang saya na naramdaman ko noong bumalik ako sa paglalaro ng volleyball, pero nawala na ulit ang pagkakataon kong maglaro dahil sa ginawa ko kanina.

Sigurado naman akong papalampasin ni coach ang ginawa ko kanina lalo na't ako ang pinakamagaling sa team, at sinikap pa nga ni coach na makuha ako para makasali sa team. Magpapalit na rin ng team captain next year at ako ang ibinabalak na ipalit sa posisyon ni Alfred.

Pero nawala na ang lahat sa isang iglap lang.


Sinuntok ko si Alfred at nag-quit ako dahil hindi ko na kayang makasama siya sa iisang team.

I threw everything away because of her.

This doesn't make sense at all! I don't make a f*cking sense!

To Love thy EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon