ALLEA'S POV
*Continuation of the flashback*
Raven is really pissing me off!
Buwisit talaga siya sa buhay ko!
Wala na talagang araw na hindi ako nabuwisit sa kaniya!
Walang ibang nagiging highest sa kahit anong subject noon kundi ako, not until dumating ang asungot na 'to.
"Bawal kumain sa klase," sita ko sa kaniya nang mapansin ko siyang nagbubukas ng isang lollipop sa ilalim ng kaniyang lamesa.
"Gusto mo ba? Magsabi ka lang kung gusto mo hindi 'yong inaaway mo ako," mapang-asar niyang sabi at isinubo ang lollipop.
Masama ko naman siyang tiningnan. "Hindi ako galit, pinagsasabihan lang kita." Ibinalik ko na ang aking paningin sa harap kung saan kasalukuyang nagdi-discuss ang aming teacher. "Respeto naman sa teacher natin na nagdi-discuss sa harap."
"Wala namang nagsabing magsalita siya diyan sa harap," walang gana niyang wika at dumukdok.
This! Isa pa ito sa kinaiinisan ko sa kaniya!
Napakapilosopo niya at walang modo! 'Yon ang hindi alam ng mga taong nakapalibot sa kaniya dahil napakabait niya kapag kaharap niya ang ibang tao!
Hindi ko alam kung sa akin lang ba talaga siya ganiyan o 'yan talaga ang tunay niyang kulay.
"Raven," may pambabanta kong tawag sa pangalan niya.
Iniangat naman niya ang kaniyang ulo at tiningnan ako.
"You should shut up, Ms. President. Respeto naman sa teacher na nasa harap."
Okay Allea, ikalma mo! Kumalma ka!
Hindi ko na lang siya pinansin.
"'Wag ka na mag-notes, matataasan pa rin naman kita kahit na may notes at mag-aral ka."
Buwisit talaga!
Tiningnan ko siya nang masama. "Ikaw kaya ang mag-notes? Para naman may gawin ka, hindi 'yong ako ang binubuwisit mo."
Nagkibit-balikat naman siya. "Okay."
Hindi ko naman inaasahan na susundin niya ang sinabi ko dahil nagsimula na rin siyang mag-notes.
Pero sana pala hindi ko na lang siya sinabihan na mag-notes. Nakalimutan kong nagbabangaan nga pala ang mga kamay namin sa tuwing nagsusulat kami.
"Kamay mo," sita ko sa kaniya at tinabig ang kaniyang kamay.
"Nagsusulat ako," bulong naman niya at tinabig ang aking kamay dahilan upang pumaling ang sulat ko, at hindi lang 'yon dahil aksidente ko ring nasulatan ng mahabang guhit ang aking notebook nang dahil sa kaniyang ginawa.
Buwisit!
Sa sobra kong inis ay ginuhitan ko ang gitna ng kaniyang notebook.
Napangisi ako nang makaganti ako sa kaniya kaya nga lang ay gumanti rin ang loko.
Sa pagkakataong ito ay dinamihan niya ang guhit at sa gitna rin mismo ng notebook ko.
Siyempre, papatalo ba ako?
Ginuhitan ko rin ng kung ano-anong lines ang notebook niya. Gumanti na naman siya sa pamamagitan ng pag-drawing ng inappropriate things katulad na lamang ng you know ng lalaki.
Buwisit talaga kahit kailan!
Naggantihan lang kami sa buong discussion, ang ending, parehas tuloy kaming walang notes sa discussion dahil binaboy niya rin ang notes na sinulat ko.
BINABASA MO ANG
To Love thy Enemy
RomanceShe wanted to be the best for her parents, but he wanted to be the best for her. Allea Maeve Salvacion wants to be the best in the eyes of her parents, but Raven Beille De Vega made it difficult for her to do so. In everything that Allea does, Raven...