Chapter 3: Boyfriend
ALLEA'S POV
*Continuation of the flashback*
"I must admit it, he's pretty good," I whispered.
"Ha?" Ngumunguyang napatingin si Faye sa aking tinitingnan.
Nasa canteen kami ngayon at hindi ko maiwasang mapalingon nang dumating si Raven kasama ang kaniyang mga kaibigan.
He's pretty famous dahil sa galing niya hindi lang sa acads kundi pati na rin sa sports.
He's academically smart, and he's athletic, too.
"Ah, si Raven ba?" Ngumunuya pa rin na wika ni Faye.
Tumango naman ako at muling itinuon ang aking pansin sa binabasang text book.
"He's really active on class. Matataas din ang mga nakukuha niyang scores," walang gana kong wika
"Are you threatened?" mapanuksong tanong sa akin ni Faye.
"A little bit." Muli akong huminto sa pagbabasa at muling tinapunan ng tingin si Raven at ang mga kaibigan niya na nagkakatuwaan mula sa hindi kalayuang table. "Pero I'm sure that I'm still the number one. I always study, samantalang siya ay laging nagre-relax."
Nagkibit-balikat naman sa akin si Faye. "You never know." Kumagat siya sa kaniyang kinakaing sandwich. "Madalas ka kaya niyang natataasan sa schoolworks."
Sinamaan ko naman siya ng tingin. "So, mas kinakampihan mo na siya ngayon?"
Sasagot sana si Faye nang biglang dumating si Alfred.
Hinihingal siya at tingnan muna ang kaniyang paligid bago ako inabutan ng isang bote ng orange juice.
Kinuha ko naman iyon at matapos ko iyong kunin ay bigla na siyang umalis.
Nakita ko namang may nakalagay na note sa bote ng orange juice kaya binasa ko ang nakasulat doon.
'Let's meet up later. I'll make it up to you.'
"Kayo pa rin ba?" tanong ni Faye sa akin dahilan upang mapatingin ako sa kaniya.
Tumango ako kasabay ng aking pagngiwi. "Oo, pero hindi na kami masyadong nakakapag-usap o nagkikita ngayon dahil parehas kaming busy." Napabuntong-hininga ako. "Ako sa acads, siya naman sa volleyball."
"I heard na sumali rin sa volleyball team ng school si Raven."
Napakunot naman ang aking noo sa kaniyang sinabi.
"Ano naman ang connect ng lalaking 'yon sa usapan natin?"
"Wala lang, share ko lang. Sabi mo kasi type mo 'yong mga lalaking magaling sa acads at sporty." Muli siyang kumagat sa kaniyang sandwich. "Naisip ko lang kasi na parang hindi naman yata pasok sa bet mong klase ng lalaki si Alfred."
Mas lalo namang kumunot ang aking noo.
Bakit ba parang nagiging weird si Faye nitong mga nakararaang linggo?
"Bakit mo ba sinasabi 'yan? Boyfriend ko siya, Faye." Hindi ko na maiwasang mainis.
Ano ba kasi ang mga pinagsasabi niya?!
"Chill lang! Ito naman! Nagbibiro lang, eh!" Itinaas niya ang kaniyang dalawang kamay bilang pagsuko.
····●·○·●·○·●·○·●·○·●····
Nandito na ako ngayon sa café kung saan kami madalas na nagkikita ni Alfred.
May kalayuan ito mula sa school at walang ibang pumupunta rito na galing sa school namin kaya naman dito namin napili ni Alfred na laging magkita.
BINABASA MO ANG
To Love thy Enemy
RomanceShe wanted to be the best for her parents, but he wanted to be the best for her. Allea Maeve Salvacion wants to be the best in the eyes of her parents, but Raven Beille De Vega made it difficult for her to do so. In everything that Allea does, Raven...