ALLEA'S POV
*Continuation of the flashback*
Luhaan akong umuwi sa amin.
Mabuti na lang talaga at wala pa ang mga magulang ko noong umuwi ako kundi ay tiyak na malalagot talaga ako. Hindi pa rin ako handa na harapin sila dahil wala pa akong naiisip na isasagot sa mga tanong o sa mga sasabihin nila sa akin.
For sure bukas papagalitan nila ako kaagad.
Yakap ko ang aking unan at buong puso kong inilalabas ang bawat luhang gustong kumawala sa aking mga mata.
Pinipiga ang puso ko sa sakit at lungkot. Hindi ko talaga matanggap na ganoon ang magiging resulta.
Ano pa nga ba ang inaasahan ko? Halata naman na noong una pa lang na si Raven na ang mangunguna dahil lagi niya akong natataasan. Hindi ko nga alam kung paano niya 'yon nagawa dahil lagi lang naman siyang hindi nakikinig sa klase, hindi nga rin siya nagta-take down notes, at mas lalong hindi siya nag-aaral dahil naririnig kong puro lang sila gala ng mga kaibigan niya.
Kaya paano nangyari 'yon?!
Bakit ang unfair naman ng mundo? Bakit ganoon? Bakit mas mataas siya sa akin kahit na ako 'yong todo effort sa pag-aaral? Bakit sa kaniya napunta 'yong achievement na 'yon, eh hindi naman niya pinaghirapan 'yon?
Paano naman ako na halos hindi na nga matulog para lang mag-aral? Paano naman ako na isang beses na lang kumakain sa buong araw kaaaral? Paano naman ako na todo effort sa pag-aaral? Paano naman akong ginawa na ang lahat?
Hindi pa ba sapat ang mga ginawa ko? Kulang pa ba?
Dapat ba hindi na talaga ako natulog? Dapat ba hindi na talaga ako kumain? Dapat ba ubusin ko nang tuluyan ang sarili ko para lang sa achievement na 'yon?
Ano pa ba ang dapat kong gawin? Saan pa ba ako nagkulang?
I am nothing without that achievement.
Hindi ko na alam kung papaano ko pa haharapin ang mga magulang ko pati na rin ang mga tao na nasa paligid ko.
"Anak? Allea?" Narinig ko ang boses ni Yaya at naramdaman ko rin ang pag-upo niya sa dulo ng kama. "Kanina ka pa umiiyak. Ano ba ang problema?"
Hindi ko naman siya kinibo at nagtalukbong lang ako ng kumot.
"Allea, dala ko 'yong favorite mo, oh. Dali na, ipagbabalat kita ng paborito mong quail eggs."
Bigla ko naman tuloy naalala ang mga sinabi kanina sa akin ni Raven.
"Kaya ka naman pala laging itlog sa mga quiz kasi itlog favorite mo."
"Sabi ko naman sa'yo, 'wag ka na kumain ng itlog. Tingnan mo, naiitlog ka lagi sa mga quiz, nalamangan tuloy kita."
"Yaya, I hate that," wika ko sa pagitan ng aking mga hikbi.
"Ha? 'Di ba favorite mo 'to?" nagtatakang tanong niya sa akin.
"Ayoko na niyan, Yaya. Hinding-hindi na ako kakain niyan."
····●·○·●·○·●·○·●·○·●····
Hindi ko malunok ang aking kinakain dahil sa matatalim nilang tingin sa akin.
Ngayon lang ulit kami kumain nang magkakasalo sa iisang hapag, at mukhang alam ko na kung ano ang dahilan.
Ito na nga lang ang una kong kain ng umagahan sa buong buwan na ito tapos mukhang masisira pa.
"Hindi na raw ikaw ang rank one," panimula ni Dad na siyang agad kong ikinakaba. "Bakit? What happened, Allea?"
Seryoso ang boses niya at matalim din ang kaniyang tingin sa akin. Maging si Mom ay ganoon din ang tingin sa akin, hindi ko tuloy manguya nang maayos ang aking kinakain.
BINABASA MO ANG
To Love thy Enemy
RomanceShe wanted to be the best for her parents, but he wanted to be the best for her. Allea Maeve Salvacion wants to be the best in the eyes of her parents, but Raven Beille De Vega made it difficult for her to do so. In everything that Allea does, Raven...