Chapter 31: Thank you

333 10 0
                                    


ALLEA'S POV

"Ha?" Punong-puno ng pagkalito ang kaniyang mga mata at kunot na kunot din ang kaniyang noo.

Bakit ko pa nga ba siya tinatanong kung bakit eh alam ko naman na ang dahilan?

Sapat na ang journal niya para malaman ko ang lahat ng mga itinatago niya sa akin, at sapat na rin ang journal na 'yon para malaman ko ang tunay niyang nararamdaman para sa akin.

Sapat na sapat na rin ang journal na 'yon para kainin ako ng aking konsensya.

"Wala." Hinatak ko ang aking kumot at nagtalukbong.

Sana lang ay hindi niya nakita ang pagpatak ng luha ko.

"Hey, Allea. Answer me. Bakit hindi ka kumain?" Pilit niyang hinahatak ang aking kumot ngunit hinahatak ko rin 'yon pabalik. "Allea, you're acting like spoiled brat right now."

Hindi ko siya kinibo.

"You're burning hot, Allea. Bakit hindi ka kumain? Bakit hindi mo ininom 'yong gamot mo? What happened, Allea? What happened?" Punong-puno ng pag-aalala niyang tanong sa akin. "I'm so worried, Allea. Sana pala hindi na lang kita iniwan dito kanina."

Kagat labi kong pinigilan ang mga luhang nagbabadyang pumatak sa aking mga mata.

Sana talaga hindi ko na lang binasa 'yong journal niya. Bakit ba kasi napakapakealamera ko?

Kung hindi ko sana binasa 'yon sana hindi ako nakokonsensya ngayon.

"Hey, Allea." Nahatak niya na ang kumot na nakataklob sa akin kaya naman agad akong tumalikod sa kaniya.

"Allea, what's wrong with you?" Nag-aalala niya pa ring tanong at pinaharap ako sa kaniya. "You're trembling!"

Natataranta niyang inilagay ang bimpo sa aking noo.

Nanginginig nga ako.

"Raven, give me back my blanket, nilalamig ako." Nanginginig kong wika.

Kanina lang ay ang init ng pakiramdam ko tapos ngayon naman ay nilalamig at nanginginig na ako?

Tumayo si Raven at kinuha ang remote ng air con, hininaan niya itobago bumalik sa akin at kinumutan ako.

May kinuha rin siyang kung ano sa bed side table at itinaas niya ang aking braso at inipit iyon sa aking kilikili.

Thermometer pala.

"Diyan ka lang, ah? Mag-iinit lang ako ng pagkain." Tumayo na siya ulit at lumabas ng aking kuwarto.

I still hate him.

Oo, nabasa ko na ang lahat ng nilalaman ng journal niya at doon lang ako nalinawan sa lahat ng bagay na ginagawa niya at sinasabi niya sa akin magmula pa noong high school pa lamang kami.

I still hate him dahil bakit ba kasi siya ganoon? Bakit kahit na ang harsh ko sa kaniya noon pa man ay hindi niya nagagalit sa akin? Bakit nag-aalala pa rin siya sa akin? Bakit inaalagaan niya pa rin ako?

Nakakainis!

Nakakainis kasi nakokonsensya ako!

Ilang minute pa ang lumipas at bumalik si Raven. May dala siyang tray na may lamang isang bowl at isang baso ng tubig gaya ng dinala niya sa akin kaninang umaga.

Inilapag niya muna ang dala niyang tray sa bed side table at umubo sa gilid ng aking kama.

Kinuha niya ang thermometer at napangiwi siya nang makita niya ang naging resulta nito.

To Love thy EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon