Chapter 14: Neighbors

443 14 0
                                    


ALLEA'S POV

"That's what I'm talking about, Chescka!" I exclaimed. "Kung hindi lang talaga ako pinilit ng mga magulang ko ay hindi talaga ako pupunta roon! He's such a big jerk!"

"Ay, Allea! May naalala nga pala ako!" biglang sabi ni Chescka mula sa kabilang linya.

"Ano 'yon? May chismis ka na naman?" biro ko sa kaniya.

Kasalukuyan kaming nagvi-video call ni Chescka habang naglilinis ako ng condo ko, siya naman ay mukhang nagski-skin care habang nakikipag-video call sa akin.

Tinawagan ko siya kanina dahil hindi pa rin talaga ako maka-move on sa mga pinaggagawa at pinagsasabi ni Raven kagabi.

Hindi rin ako makapaniwala na after ten years ay biglang babalik ang lalaking 'yon.

Ang ganda na ng buhay ko habang wala siya at mukhang magugulo na naman ang buhay ko ngayong nandirito na siya.

Pero puwede ko naman siguro siyang maiwasan para hindi talaga magulo ang buhay ko?

Well sana lang ay talagang maiwasan ko siya at kung puwede nga lang ay sana 'wag na siyang magpakita pa sa akin forever.

"Hoy, Chescka! Nasaan ka na?!" sigaw ko at pinindot ang aking cellphone.

Hindi pa naman napuputol ang tawag pero puro na lang itim ang nakikita ko ngayon sa screen. Bigla ring may lumabas na connecting sa itim na screen kaya naman tiningnan ko kung sa akin ba ang mahinang signal pero mukha namang hindi.

"Sorry! Namatay bigla 'yong wifi!" tarantang wika niya nang bumalik na ang aming tawag.

"Ano ba naman 'yan, Chescka! Pamilya mo may-ari ng nangungunang telecom company sa Pilipinas tapos ang hina ng signal sa bahay n'yo?" biro ko na siyang parehas naming ikinatawa.

"So ito na nga! May reunion daw tayo next week."

Bigla akong natigilan sa aking paglilinis nang dahil sa kaniyang sinabi. Nabitawan ko rin ang vacuum na aking hawak at kinuha ko ang cellphone kong nakalagay sa phone holder.

"M-may reunion tayo?!" hindi ko makapaniwalang sabi. "Senior high? Per section?"

"Tatango ba ako o iiling? Or sabay both?" Tumawa siya. "Yes, senior high, pero hindi per section."

Nanlaki ang mga mata ko. "Like lahat ng section halo?!" Napakamot ako sa aking ulo. "Seryoso?!"

Tumango si Chescka. "Yeah, nagkasundo silang lahat na sabay na lang lahat at hindi na per section since halos magkakakilala naman daw tayong lahat."

Sh*t!

"Hindi ako pupunta." Inilagay ko na muli ang aking cellphone sa phone holder at bumalik na sa paglilinis.

"Ha?! Bakit naman?!" halos pasigaw na tanong ni Chescka.

"Alam mo namang may ayaw akong makita." Mapait akong tumawa. "Ayoko na talaga silang makita."

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Chescka mula sa kabilang linya. "Okay, I understand. Kung ako nga rin naman ang nasa posisyon mo mas pipiliin kong 'wag pumunta roon. May ahas ba naman baka tuklawin ka pa."

Binigyan ko na lamang siya ng isang mapait na ngiti. "Bibili muna ako ng black bag, ah? I'll call you later."

"Okay! Bye!" Ngumunguyang sabi ni Chescka. Mukhang kumakain yata siya ng cucumber o ng kung ano mang gulay o prutas ngayon.

Kinuha ko na ulit ang aking cellphone at pinatay ang tawag.

Itinabi ko muna ang aking vacuum at kinuha ko na ang aking wallet bago lumbas sa aking condo.

To Love thy EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon