ALLEA'S POV
Panibagong araw na naman at same routine lang din naman ang ginawa ko.
Bumangon ako, nagbihis, at inihanda si Jordan para sa morning walk niya.
Lagi namang ganito ang umaga ko, at aaminin ko, nagsasawa na rin talaga ako sa paulit-ulit na cycle ng buhay ko.
Pagkalabas ko sa aking unit ay nahagip ng aking mga mata ang saradong pinto ng unit ni Raven.
Dalawang araw ko na rin yata siyang hindi nakikita at masaya ako roon.
Mabuti rin at hindi niya na ako kinukulit o ano.
"Let's go, Jordan!"
As usual, winalk ko lang naman si Jordan for 10 minutes at bumalik na rin kaagad kami sa unit ko.
Pagbukas ng elevator ay nakasalubong ko ang isang pamilyar na mukha. Palabas ako ng elevator samantalang papasok naman siya roon.
Siya 'yong dating nakatira sa unit na tinitirhan na ngayon ni Raven.
Mukha siyang nagmamadali at hindi mapakali kaya naman hindi ko na siya kinausap pa.
Gusto ko pa naman sana siyang tanungin kung ano ang nangyari at kung bakit ganoon ang mukha niya. Para kasi siyang hinahabol ng kung ano at bakas din sa kaniyang mukha ang pag-aalala. Nakapantulog lang din siya at mukhang nagmamadali siyang makaalis dito.
Hindi kaya inaway siya ni Raven?
Whatever, hindi na dapat ako makialam.
Nang makarating na ako sa tapat ng aking unit ay hindi ko namalayang napalingon at napatingin na naman ako sa pinto ng unit ni Raven.
Bahagya na itong nakaawang hindi tulad kanina na nakasara talaga ito. Sumisilip din sa kakaunting awang ng pinto ang ilaw mula sa loob.
Muli na akong tumalikod at saktong pipihitin ko na sana ang doorknob ng pinto nang makarinig ako ng isang iyak.
Napatingin ako ulit sa unit ni Raven nang mapansin kong doon iyon nagmumula.
Parang iyak 'yon ng bata.
"Sh*t! Si Jasper!"
Mabilis akong pumasok sa loob ng unit ni Raven habang hawak ko pa rin ang leash ni Jordan.
"Jasper!" sigaw ko nang makapasok ako sa loob.
Natagpuan ko naman si Jasper na umiiyak sa sala habang nasa tabi ni Raven na kasalukuyang nakahiga sa sofa at mahimbing na natutulog.
"Ate!" Jasper cried.
"What happened?!" Agad akong lumapit sa kaniya.
"Ate! Tito won't wake up!"
Bigla kong nabitawan ang leash ni Jordan at nanlaki ang aking mga mata nang dahil sa kaniyang sinabi.
Hindi na magising si Raven?!
"W-what?!" Halos wala nang boses na lumabas sa aking labi.
Rinig na rinig ko na rin ngayon ang pagkalabog ng aking puso sa sobrang kaba.
Paanong Raven won't wake up ang sinasabi ni Jasper?!
Pinagmasdan ko si Raven mula ulo hanggang paa at tinitingnan ko kung humihinga pa ba siya.
Mukha pa naman siyang humihinga?
Yumuko ako at itinapat ang aking hintuturo sa kaniyang noo at bahagya akong nakahinga ng maluwag nang maramdaman ko ang kaniyang mainit na paghinga.
BINABASA MO ANG
To Love thy Enemy
RomanceShe wanted to be the best for her parents, but he wanted to be the best for her. Allea Maeve Salvacion wants to be the best in the eyes of her parents, but Raven Beille De Vega made it difficult for her to do so. In everything that Allea does, Raven...