ALLEA'S POV
"So ito pala ang bahay mo?"
Hindi ko maiwasang mamangha habang inililibot ko ang aking paningin sa loob ng kaniyang bahay.
Marmol ang sahig, may malaking chandelier, at napakalaki rin nito.
Hindi ko inaasahan na ganito ang bahay ni Raven at hindi ko rin inaasahan na may bahay siya rito sa Antipolo.
Kailan niya kaya binili 'to?
"Do you like it?" masaya niyang tanong.
Tumango-tango naman ako habang patuloy na inililibot ang aking paningin.
"Yeah, it's nice."
Hindi ko na namalayan na nakarating na pala kami rito kanina. Nakatulog kasi ako sa biyahe dulot na rin siguro ng pagod.
Nagulat na lang ako inaalog na ako kanina ni Raven para magising.
Well, ngayon na nakita ko na ang bahay niya na mukhang okay naman ay ayos lang sa akin na dito na muna ako tumira. Naisip ko kasi na baka ayaw lang nila sabihin sa akin na hindi nakulong si Alfred at lagi akong pinupuntahan sa bahay ko sa Cavite kahit na wala naman ako roon.
Naisip ko rin naman na hindi naman dito tumitira si Raven dahil magkasama sila ng secretary niyang si Noah na tumira sa condo nito.
This is for my safety, 'yan na lang ang iisipin ko.
Mas lalo pa akong namangha nang makita ko ang second floor ng bahay.
Gaano ba kalaki ang bahay na 'to?
"All of your things are inside that room." Tinuro ni Raven ang pangalawang kuwarto mula sa dulo. "And that one is my room." Itinuro naman niya ang kuwarto na nasa pinakadulo na siyang katabi ng kuwarto ko.
"Okay, I won't enter any other room naman habang nandito ako. Rest assured na hindi ako mangingialam sa kahit na anong mga gamit mo rito."
Ipinamulsa naman niya ang kaniyang mga kamay sa bulsa ng kaniyang pantalon bago siya ngumisi sa akin. "Don't worry, I won't be mad kapag may ginalaw kang kahit na ano rito." He leaned towards me. "Mas matutuwa pa nga ako kapag ako ang ginalaw mo."
Inis kong hinampas ang kaniyang braso dahilan upang mahina siyang mapaaray.
"Tigilan mo ako, ah! 'Wag mo akong hintaying mabuwisit sa'yo!" sigaw ko sa kaniya. "Pasalamat ka titira ako rito sa bahay mo kahit labag sa loob ko."
"At bakit naman labag sa loob mong tumira sa bahay natin?" Tumaas ang kilay niya.
Napangiwi naman ako. "Bahay natin? Baliw ka ba? Bahay mo lang 'to, may sarili akong bahay kaya hindi ako magsta-stay rito nang matagal."
He chuckled. "Oh, Allea, did you know why I bought this house?"
"No," tipid kong sagot.
He took a step towards me and put some strands of my hair behind my ear.
Sa hindi malaman na dahilan ay para akong napako sa aking kinatatayuan at hinayaan ko na lamang siyang makalapit sa akin at gawin 'yon.
Bakit ba ako nagkakaganito sa tuwing bigla-biglang lumalapit sa akin si Raven?
Nagugulat nga lang ba talaga ako o ano?
"I bought this house for us." He slowly caressed my hair. "It's for us, I bought this for us."
What?!
"Baliw." Tinabig ko ang kaniyang kamay. "Matutulog na ako."
Maglalakad n asana ako papunta sa aking kuwarto nang bigla niya akong hatakin palapit sa kaniya at hinalikan ang aking noo. "Good night."
BINABASA MO ANG
To Love thy Enemy
RomanceShe wanted to be the best for her parents, but he wanted to be the best for her. Allea Maeve Salvacion wants to be the best in the eyes of her parents, but Raven Beille De Vega made it difficult for her to do so. In everything that Allea does, Raven...