Epilogue

748 14 15
                                    


ALLEA'S POV

Ilang buwan na ba ang nakalipas magmula noong pinakawalan niya ako?

Hindi ko na alam at ayoko na ring bilangin.

Pinakawalan niya ako kung kailan nahuhulog na ako sa kaniya.

Mabuti na rin siguro 'yon kaysa naman papakawalan niya ako kung kailan nahulog na talaga ako sa kaniya.

Gigil na gigil kong pinaglalaruan ang aking ballpen habang nakatulala ako sa mga dokumentong dapat kong pirmahan.

Magmula noong pinakawalan niya ako ay nilunod ko na ang sarili ko sa trabaho.

Kaya nga lang ay kahit anong gawin ko lagi pa rin siyang lumulutang sa isip at puso ko.

Nababaliw na nga yata talaga ako!

"Ma'am, may bisita ka po." Napatingin ako sa aking sekretarya nang magsalita siya.

Tanging tango na lamang ang aking isinagot.

Maya-maya pa ay pumasok sa aking opisina si Chescka. May bitbit siyang mga kung ano at halos mapunit na rin ang labi niya sa laki ng kaniyang ngiti.

Ano'ng mayroon ngayon at ganiyan siya makangiti?

"Happy birthday, Allea!" masigla niyang bati sa akin at sinabuyan pa ako ng hawak niyang pinilas-pilas na mga colored paper. "Bakit naman malungkot ang birthday girl?"

Tulala ko siyang tiningnan.

Birthday ko pala?

"Birthday ko na pala," mapait akong natawa. Ibigsabihin matagal na pala kaming hindi nagkikita.

Magmula noong umalis ako sa bahay ni Raven ay hindi na kami muling nagkita pa. Gustuhin ko man siyang kausapin ngunit nahihiya ako dahil hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko.

Ano ba kasi ang sasabihin ko?

Miss na kita?

Balik ka na sa buhay ko?

Gusto na rin kita.

Bakit mo ako pinakawalan?

May galit ka ba sa akin?

Kahit nga 'yong pocket watch niya ay hindi ko naibigay pa sa kaniya.

Isosoli ko lang 'yon kapag binalikan niya ako.

Bahala siyang mabaliw kahahanap.

"Allea naman." Napangiwi si Chescka. "Bakit ka ba nagkakaganyan? Magmula noong iniwa-"

"Hindi niya ako iniwan," putol ko sa sinasabi niya. "Pinakawalan niya ako."

Mas lalo pang ngumiwi si Chescka. "Ewan ko sa'yo! Bakit ba kasi hindi mo na lang kausapin? For sure rin naman may dahilan si Raven kung bakit niya 'yon ginawa."

"Ang sabihin mo hindi niya na ako gusto." Napasandal ako sa aking swivel chair. "Ayaw niya lang kamong sabihin na hindi na siya interesado sa akin kaya niya ako dinaan sa gano'n."

Naupo si Chescka sa upuan na nasa harap ng aking lamesa at inilapag niya ang kaniyang mga bitbit sa aking harap. "Ewan ko sa'yo, ang nega mo kasi at ayaw mong babaan ang pride mo. Paano kayo magkakaliwanagan niyan?" Nginuso niya ang paper bag na nasa aking harap. "Buksan mo."

Tumaas ang kilay ko. "Ano 'yan?"

"Regalo ko."

Mapait akong tumawa. "Uso pa pala 'yan."

To Love thy EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon