Chapter 2: Bread

794 22 24
                                    

ALLEA'S POV

*FLASHBACK*

10 Years Ago

"Good morning class! I would like to introduce to all of you the new student," bungad ni Mrs. Santos pagkapasok na pagkapasok niya pa lamang sa aming classroom. "Come inside, hijo."

Kaagad na napuno ng mga bulungan ang buong classroom nang pumasok ang bago naming kaklase.

Dahil nga na-curious din ako kung bakit sila bulong nang bulong ay itinigil ko na muna ang librong binabasa ko para tingnan ang bago naming magiging kaklase.

Sinuri ko siya mula ulo hanggang paa, at kung akin siyang huhusgahan ay mukha talaga siyang anak mayaman. Well, school naman ng mga mayayaman ang school na ito.

Matangkad siya, mestizo, at may maamo rin siyang mukha. Maayos din ang kaniyang buhok at may salamin din siya.

Mukha naman siyang mabait at hindi naman siya mukhang isang klase ng estudyante na gagawa ng trouble.

Sandaling nagtagpo ang aming mga mata kaya naman kaagad akong umiwas ng tingin.

Baka kasi mamaya mahalata niya na sinusuri ko siya at baka isipin niya ay hinuhusgahan ko na siya kaagad kahit na bago pa lamang siya.

Muli ko nang binuksan ang librong aking binabasa at nagpatuloy sa pagbabasa.

"Go ahead and introduce yourself," utos sa kaniya ni Mrs. Santos.

"Good morning! I am Raven Beille De Vega. I am currently 16 years old," pagpapakilala niya sa kaniyang sarili.

Mas lalo pang lumakas ang bulungan ng aking mga kaklase.

Ang ingay naman nila!

"Tell us more about yourself, like your hobbies," sabi naman sa kaniya ni Mrs. Santos.

"I like playing chess sometimes, but most of the time, I play golf with my father."

Mas lalo pa tuloy lumakas ang mga bulungan sa paligid. Ang ilan nga sa mga bulong ay talagang malakas na at sapat na para marinig ko mula sa aking kinauupuan.

"Ang guwapo niya! Ang ganda pa ng pangalan! Tapos mahilig pang maglaro ng golf! Magugustuhan siya ni Dad!" bulong ng isa kong kaklaseng babae na nakaupo sa bandang dulo ng classroom.

Tsk! Hindi man lang sila mahiya! Rinig na rinig ko sila sa kinauupuan ko! Nasa likod na nga sila pero naririnig ko pa rin mula sa unahan ang mga bulungan nila sa likod!

"I was born and raised in the U.S. This is my first time here but I know how to speak in Filipino naman."

Kilig na kilig naman ang mga babae sa likod na row na para bang may nakakikilig sa sinabi ng bago naming kaklase.

"Chill, Allea, parang puputok na yata ang ugat mo sa ulo," natatawang bulong sa akin ni Faye, ang aking best friend at seatmate.

"Okay, thank you Mr. De Vega. You may seat at the back beside that girl," wika ni Mrs. Santos. "If you have any questions or concern, you may ask and tell it to the class president."

Nakita ko naman mula sa aking peripheral view na itinuro ako ni Mrs. Santos ngunit hindi ko na lamang iyon pinansin.

"Copy, ma'am," he replied.

Naglakad na siya papunta sa kaniyang puwesto ngunit napahinto siya sa aking gilid.

"Rude," bulong niya sa akin dahilan upang mapaangat ako ng tingin sa kaniya.

Nangunot naman ang aking noo. "Excuse me?"

He leaned towards me and placed his lips close to my ear. "I said you're rude, Ms. President," he whispered.

To Love thy EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon