Special Chapter #1

256 4 2
                                    


Raven's POV

"Seriously, Raven?! Wala ka bang balak na magtino?!"

Naghahalo na sa aking tainga ang mga sigaw ni Dad at ang music na kasalukuyan kong pinapakinggan.

Wala naman na para sa akin ang mga sinasabi niya. As if his words could even affect me in any way.

I'm used to this. Hindi ko na mabilang kung ilang beses niya na akong napagalitan ngayong buwan. If I were him, I would stop nagging and stressing about something that already happened.


Nangyari na ang nangyari. Can't he just accept the fact that nagging at me won't change anything now?

I tossed my bag on the couch, and as I was about to sit down, Dad grabbed my arm and snatched my earphones from my ears.

"Listen to me when I'm talking to you, Raven!" he madly said. "Nakalilimutan mo na yatang rumespeto sa tatay mo?"

Umiwas ako ng tingin at binawi mula sa kaniyang mga kamay ang earphones ko.

"Dad, can you please stop this? Hindi ka ba napapagod? Wala naman nang mababago kahit na pagalitan mo akong buong araw!" I answered.

I don't really get why he's so mad about this. Hindi pa rin ba siya sanay?

Alam naman pala niya kasing hindi naman ako nakikinig sa kaniya, tapos siya pa 'tong salita nang salita palagi.

I was about to put my earphones back on my ears when Dad snatched it from me once again, but this time, he snatched my phone with it.

My eyes widened in shock when I saw him smash my phone on the floor.

I watched how its screen cracked and went blackout.

"Dad!" I yelled. "Why did you do that?! You don't have to do that!"

"Yes I have to do that!" his voice thundered across the living room. "Hindi ko na mabilang kung ilang beses kang napunta sa detention ngayong buwan! Kung hindi dahil sa amin ng Mom mo, matagal ka nang na-kick out sa school!"

I sarcastically laughed. "Then why don't you just let me be kicked out? Kapag na-kick out ako hindi na ako papasok, kapag hindi na ako pumapasok hindi na ako makakagawa ng trouble sa school, at kapag hindi ako nakagawa ng trouble sa school wala na kayong magiging sakit ng ulo." I playfully shurgged. "See? That's the so–"

Dad's hands landed on my face before I could even finish my sentence.

"Reynald!" I heard Mom's voice as I felt her warm hands on my shoulders. "What's happening?! Why did you hit our child?!"

My eyes remained on the ground as I tasted blood from my lips.

Ah, he's now furious.

"Anak, are you okay?" Mom worriedly asked as she held and checked my face.

Umiwas naman ako ng tingin dahil bahagya akong nakaramdam ng konsensya nang maramdaman ko kung gaano nag-aalala si Mom para sa akin.

"Isabel, can you please stop treating him like a baby?! Kaya hindi nagtitino 'yan dahil palagi mong kinakampihan!" Dad yelled. "I'm sure you're aware kung ano na naman ang pinagagagawa niya!"

"I can't wait to see you again, Allea!"

I gritted my teeth as I heard Ate Sheryl's voice.

Napatingin ako sa pinagmumulan ng kaniyang boses at nakita kong pababa siya ng hagdan habang hawak ang kaniyang cell phone.

Kausap na naman niya 'yong babaeng 'yon.

Napahinto siya sa pagbaba ng hagdan at nagtama ang aming paningin.

To Love thy EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon