ALLEA'S POV
*Continuation of the flashback*
Hindi ko siya papanoorin, 'yan ang sinabi ko sa sarili ko, pero look where I am right now.
Well napilitan lang naman ako dahil gusto ni Chescka manood.
"Go De Vega!"
"Ang pogi mo talaga De Vega!"
"Jusko, De Vega! Ako na magpupunas ng pawis mo!"
"Number five man ang jersey mo, number one ka naman sa puso ko, De Vega!"
"De Vega akin ka na lang!"
"Nasa volleyball player talaga ang true love!"
Sigawan at hiyawan ang bumabalot sa buong gymnasium habang naglalaro ang team nina Raven, kalaban nila ngayon ang team ng magaling at manloloko kong ex.
"Chescka, mauna na ako sa'yo." Tatayo pa lang sana ako mula sa kinauupuan kong bleacher nang hatakin ako paupo ni Chescka.
"Bakit? Panoorin muna natin si Raven!" masaya niyang sabi at muling ibinalik ang tingin sa laro.
Why the heck would I even want to watch that guy?!
"Masakit na tainga ko sa mga sigawan, Chescka." Napairap ako. "Sumasakit na rin ulo ko sa kanila."
Nakangiwing napatingin sa akin si Chescka. "Sige na, please? Panoorin lang natin siya tapos after ng laro nila aalis din agad tayo."
Nagpa-cute pa si Chescka kaya naman napairap na lang ako dahil ramdam kong wala naman akong magagawa.
"Fine." I rolled my eyes.
Nakakainis nga lang din kasi dahil dito pa kami talaga sa pinakaunahang bleachers nakaupo. Sabi ko naman kanina kay Chescka 'wag kami rito pero nagpumilit pa rin talaga siya.
Natatakot ako na baka mamaya makita kami ni Raven dito at kung ano pa ang isipin ng asungot na 'yon.
"Go, Raven!" sigaw ni Chescka.
"Why the heck are you cheering for him?!" inis kong bulong kay Chescka.
Nagtataka naman siyang napatingin sa akin. "Sino naman ang iche-cheer ko?" Tumaas ang kilay niya. "Siya lang naman ang kilala ko sa mga naglalaro."
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano sa sinabi niya. Pero ako nga rin naman si Raven lang ang kilala ko sa mga naglalaro, idamay na rin natin 'yong buwisit kong ex na kalaban na nina Raven.
"Go, Alfred!" Para namang nangati ang aking tainga nang marinig kong sumigaw ang isang pamilyar na boses.
Napalingon ako sa babaeng sumigaw at nakita ko si Faye na malapit lang pala siya sa amin.
Malamang nandito rin talaga siya.
Nakatatawa lang dahil matapos naming maghiwalay ni Alfred ay hindi na nila ako kinausap pa, hindi naman sa ayaw ko dahil 'yon naman talaga ang gusto kong mangyari pero ang akin lang, wala man lang kasi akong natanggap na sorry mula sa kanilang dalawa.
Niladlad na rin nila ang relasyon nila ilang buwan matapos kong makipaghiwalay kay Alfred.
Hindi na kami magkaklase ngayon ni Faye at hindi na rin ako kinukulit ni Alfred, mas mabuti na rin siguro 'yon.
Oo talagang mas mabuti na 'yon.
Patuloy pa rin ang sigawan ng mga tao lalong lalo na ng mga babae na patuloy sa pagche-cheer sa kung sino man ang manok nila sa laro, pero karamihan talaga ng mga babae rito ay pangalan ni Raven ang isinisigaw.
BINABASA MO ANG
To Love thy Enemy
RomanceShe wanted to be the best for her parents, but he wanted to be the best for her. Allea Maeve Salvacion wants to be the best in the eyes of her parents, but Raven Beille De Vega made it difficult for her to do so. In everything that Allea does, Raven...