ALLEA'S POV
Nagising ako dahil sa alarm ng aking alarm clock na sinabayan na rin ng pagtahol ni Jordan.
Inaantok kong kinusot ang aking mga mata at nag-inat.
Bagong araw na naman.
Gusto ko pa sanang humirit ng tulog kaya nga lang mukhang hindi ako makakatulog dahil sa ingay ng alarm clock ko at sa walang tigil na pagtahol ni Jordan.
Lagi namang ganito si Jordan sa tuwing naririnig niya ang pagtunog ng aking alarm clock, para bang pinapaalalahanan niya ako na gumising na ako at bawal humirit ng tulog.
Hindi na talaga ako nakahirit ng tulog nang makarinig ako ng pagtunog ng doorbell.
Inis akong napabangon sa aking kama kasabay ng pagpatay ko sa alarm clock ko.
Lumabas na ako sa aking kuwarto at agad na bumaba, sumunod din sa akin si Jordan na mukhang hyper yata.
Buti pa siya may energy.
I swear talaga kapag si Raven 'tong nagdo-doorbell.
Agad na nangunot ang aking noo nang makita ko si Ate Darlene sa monitor na katabi ng aking pinto.
Bakit nasa labas ng ganitong oras si Ate Darlene?
Ang aga pa naman? 3:45 AM pa lang kaya bakit siya magdo-doorbell sa akin ng ganitong oras?
Hindi kaya may nangyaring masama kay Jasper?!
Agad ko nang binuksan ang aking pinto at agad na tumambad sa akin ang hindi mapakali at nag-aalalang si Ate Darlene.
Para din tuloy akong biglang nagising dahil sa biglang pag-agos ng kaba sa aking buong sistema.
"Allea, sorry. Nagising ba kita?" Hindi pa rin siya mapakali.
"Hindi, Ate, tumunog na rin naman na 'yong alarm clock ko." Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Magulo ang buhok niya at mukhang nagmamadali rin siya. Sa kanan niyang kamay ay may dala siyang isang malaking bag. "Ano'ng nangyari, Ate? May nangyari bang masama."
Bumuntong-hininga siya. "Nagkasakit kasi si Mama kaya roon muna ako sa bahay namin para alagaan siya." Bakas pa rin ang pag-aalala sa kaniyang nanginginig na boses.
Nandito na ang mga magulang nila ni Raven sa Pilipinas ilang taon na rin ang nakalilipas. Simula rin noong isang taon ay madalas na nagkakasakit ang Mama nila dulot na rin siguro ng katandaan.
"Hala, Ate, dadalaw ako kapag may free time ako." Hinawakan ko ang kamay niyang nanlalamig at nanginginig. "Paano si Jasper? Isasama mo ba siya?"
Umiling si Ate Darlene. "Iniwan ko muna siya kay Raven, pero pakitingnan-tingnan na lang din si Jasper. May trabaho rin kasi ang Daddy niya kaya hindi rin niya masyadong mababantayan si Jasper."
Ah, hindi nga pala alam ni Ate Darlene na galit at naiinis ako sa kapatid niya.
Hindi naman kasi nagtanong si Ate Darlene kung ano ba ang dahilan kung bakit ayaw kong tawagin akong Ate Allea ni Jasper o kung bakit ayaw kong banggitin niya ako kay Raven sa tuwing nag-uusap.
Akala nga yata ni Are Darlene okay kami kasi lagi raw akong binibida at kinukuwento sa kaniya ni Raven.
I wonder kung ano ang pinagsasabi sa ni Raven kay Ate Darlene.
"Sige, Ate Darlene, ako na ang bahala kay Jasper. Ingat ka, ah?" Binigyan ko siya ng isang ngiti at hinigpitan ko ang pagkakakapit sa kaniyang mga kamay.
Muling tumango si Ate Darlene at nagpilit ng isang ngiti. "Salamat, Allea. Kung puwede sana may isa pa akong favor sa'yo."
"Ano 'yon, Ate?"
BINABASA MO ANG
To Love thy Enemy
RomanceShe wanted to be the best for her parents, but he wanted to be the best for her. Allea Maeve Salvacion wants to be the best in the eyes of her parents, but Raven Beille De Vega made it difficult for her to do so. In everything that Allea does, Raven...