Chapter 15: Line

437 17 2
                                    

ALLEA'S POV

Pagkatapos kong magbihis ay pumunta na ako sa sala at naabutan ko sina Raven at Jasper na masayang kumakain habang nanonood ng tv,

Ang kapal din naman ni Raven na buksan ang tv na hindi naman sa kaniya.

Alam kong si Raven ang nagbukas no'n dahil alanganin namang si Jasper ang nagsaksak at nag-on sa tv?

Wala yata sa dictionary ni Raven ang salitang kahihiyan.

Naupo na ako sa tabi ni Jasper at nagulat ako nang bigla niya akong subuan ng pizza.

"Eat it, Ate! It's very delicious po and Tito bought it for us!" Jasper exclaimed.

Ayoko man sana na kainin ang pizza na dala ni Raven kaya nga lang ay sinubuan na ako ni Jasper at hindi pa rin ako kumakain ng dinner kaya sige na lang. Kakainin ko na muna ang galing sa kaniya.

"What are you watching?" tanong ko habang nginunguya ang pagkaing isinubo sa akin ni Jasper. Napatingin din ko sa tv at nakita kong cartoons naman pala ang pinapanood nila.

Matino rin naman pala minsan si Raven.

"I'm watching my favorite cartoon show, Ate."

I just nodded at hindi na ako umimik pa.

Tahimik lang kaming kumain. Si Jasper ay nasa tv lang ang atensyon habang kumakain, samatalang kami naman ni Raven ay nagpapalitan ng masasamang tingin.

Actually ako lang naman talaga ang sinasamaan siya ng tingin dahil puro nakalolokong tingin ang ibinibigay niya sa akin.

"Ate, Tito, are you a couple?"

Halos maibuga ni Raven ang iniinom niyang soft drink in can na dinekwat niya sa ref ko.

Deserve, 'yan talaga ang napapala ng mga taong kumukuha ng hindi naman sa kanila.

Gusto ko namang tumawa kaya nga lang kailangan ko munang itama ang sinabi ni Jasper. 'Tong batang 'to kabata pa sobrang daldal na at sobrang daming alam.

"No, we're not, Jasper," mahinahon kong sagot kay Jasper. "Bakit mo naman naisip na couple kami? Kaaway ko nga 'yang Tito mo, eh."

Kumunot naman ang noo ni Jasper. "So couple nga po kayo? Are you married like mommy and daddy?"

Ako naman ngayon ang muntik na mabulunan dahil sa mga pinagsasabi ni Jasper.

Saan niya ba natutuhan ang mga pinagsasabi niya?!

"No, we're not, Jasper." Umiling ako. "Where did you learn those things?"

"I just thought it lang po since nag-aaway minsan sina mommy and daddy," inosenste niyang sagot at kumagat sa kaniyang pizza.

"What do your mommy and daddy do sa tuwing nag-aaway sila?" tanong ni Raven. Pinandilatan ko naman siya ng mata pero parang wala lang 'yon sa kaniya. "What? I'm just asking."

"Daddy will kiss mommy po para bati na sila," Jasper answered.

"Where?"

"Sometimes sa cheeks po, pero most of the times sa lips."

"So should I also kiss your Ate Lea para hindi na siya magalit sa akin?" He grinned.

What the f*ck?!

Gustong-gusto ko talagang sapakin at murahin ngayon si Raven dahil sa mga pinagtatanong niya kay Jasper pero alam kong hindi ko naman puwedeng gawin 'yon sa harap ng bata.

"Finish your food na, Jasper, I'll return you to your mommy." Napatingin ako sa malaking wall clock na nasa aming likod. "Malapit na rin mag 8 PM."

"But mommy is not around," Jasper whispered.

To Love thy EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon