Chapter 13: Sad birthday

438 10 1
                                    

ALLEA'S POV

*Continuation of the flashback*

Calm down, Allea, compose yourself.

Calm down!

"So hindi mo talaga ako papansinin?"

Calm down, Allea, calm down!

"Bakit ba ayaw mo akong pansinin?"

Kumalma ka, Allea! Walang mangyayaring maganda kapag pinatulan mo pa ang lalaking 'yan!

"Hindi k aba masaya na naging boyfriend mo ako?"

That's it! I've had enough!

"How many times do I have to tell you na hindi nga tayo! Na wala ngang tayo!" Marahas kong sinara ang librong aking binabasa at hinarap ang asungot na kanina pa nangungulit sa akin. "Hindi ka ba makaintindi o sadyang sarado lang talaga 'yang butas ng tainga mo kaya hindi mo ako marinig?! Alam mo, Raven, magpalinis ka na nga ng tainga mo, mukhang puno na kasi ng tutuli."

"Finally, pinansin mo na rin ako." He chuckled. "Bakit ba kasi ayaw mo akong pansinin."

I rolled my eyes.

Isang linggo na magmula noong matapos ang intramurals at isang linggo na rin magmula noong sinimulan niya akong buwisitin ulit.

Okay na sana kaming dalawa, hindi na niya ako binubuwisit ng ilang buwan kaso heto na naman kami eh. Back from the start na naman, at mukhang mas malala pa nga 'to ngayon.

He kept on saying na kami na raw dalawa dahil nanalo siya sa deal namin na hindi ko naman sinang-ayunan.

Sinabi ko bang okay sa akin 'yong sinabi niyang kami na kapag nanalo sila? Hindi 'di ba?

Masyado na yatang nababaliw si Raven. Ano kaya nahithit niya?

"Bakit ba kasi ayaw mo akong pansinin? Hindi naman kita kukulitin kung pinapansin mo ako, eh."

Inis akong napalingon sa kaniya. Nakaupo siya ngayon sa aking tabi at nakapangalumbaba siya habang nakatingin sa akin.

'Yon pa ang isa pang problema. Kapag pinapansin ko siya akala niya okay sa akin 'yong mga pinaggagawa niya, tapos kapag hindi ko naman siya pinapansin kinukulit niya ako nang kinukulit.

So saan talaga ako lalagay?

"Para kang bata, Raven." I glared at him. "Stop acting like a spoiled brat. Ano ba ang nagawa ko para guluhin mo na naman ako?"

Nakakainis talaga! Hindi ko talaga alam kung bakit na naman niya ako ginugulo ngayon!

"Hindi ka kasi pumunta sa birthday party ko." He pouted. Akala mo naman cute siya. "Binigyan pa nga kita ng special invitation pero hindi ka pa rin pumunta."

Sandali akong napaisip.

Sinimulan na naman niya akong inisin two weeks ago. Two weeks na rin ang nakalipas matapos siyang magkaroon ng birthday party kung saan inimbitahan niya ang buong klase pati na rin ang iba niya pang mga kaibigan, at hindi rin naman siya nagsisinungaling sa sinabi niyan binigyan niya raw ako ng special invitation kahit na hindi ko naman alam kung ano ang special sa handwritten invitation na ibinigay niya sa akin.

Hindi ko nga maintindihan 'yong sulat niya.

"So kaya mo ako ginugulo dahil hindi ako pumunta sa birthday party mo?"

Tumango siya.

Mariin akong napakagat sa aking labi at pinipigilan ang aking sarili na masapak ang lalaking nasa harapan ko ngayon.

To Love thy EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon