Chapter 9: Double Victory

341 19 2
                                    


Chapter 9: Double Victory

ALLEA'S POV

*Continuation of the flashback*

Natapos ang miting de avance nang may ngiti sa aking labi.

Ngayon pa lang kasi alam kong mataas na ang tiyansa kong manalo at ganoon na rin ang aming partido.

"Ang galing mo kanina, Allea!" komento ni Chescka habang naglalakad kami palabas sa multi-function hall. "Para lang kayong nagpepersonalan ni Raven!"

Bahagya ko namang ginulo ang kaniyang buhok. "Ang galing mo rin kanina!"

Napangiti siya. "For sure marami na ang boboto sa atin, Allea. Mukhang marami kasi ang natuwa at nagkaroon ng interes sa mga platapormang sinabi natin kanina."

Tumango naman ako. "Sana nga talaga sa atin ang boto nila."

"Sigurado akong karamihan sa partido natin ang mananalo," wika naman ni Ryan na nasa aking likuran.

"Sana lahat tayo sa partido manalo," nakangiti kong sabi.

Isa rin talaga sa ipinapanalangin ko ay manalo ang buo naming partido. Masaya at masarap kasi silang kasama at komportable na rin ako sa kanila.

Ayoko rin naman manalo na ako lang mag-isa.

Malapit na sana kami sa may exit ng multi-function hall nang may mapansin akong demonyo.

Ang malala, mukhang inaabangan ako nito.

"Oh? Bakit ka huminto sa paglalakad?" nagtatakang tanong ni Chescka na napahinto rin sa paglalakad.

"'Wag tayong dumaan dito," bulong ko sa kanila ni Ryan. "May nakaabang na demonyo."

····●·○·●·○·●·○·●·○·●····

Today is the day! Botohan na! Wala kaming pasok ngayon para daw mabigyang daan ang election.

Nakatulala kami ngayon ni Chescka rito sa canteen samantalang si Ryan naman ay nagbabasa lang ng libro na para bang hindi siya kinakabahan o ano. Magkatabi at nasa tapat ko sila ngayon at nagpapaubos lang kami ng oras dito sa canteen.

Katatapos lang naming bumoto at kinakabahan na kami ni Chescka sa magiging resulta ng votings. Mamaya na rin kasi ia-announce ang mga mananalo, mabilis lang ang proseso dahil electronic voting ang ginamit na paraan sa pagboto.

"Tingin mo mananalo tayo?" halos pabulong na tanong ni Chescka.

"Hindi ko alam, kinakabahan ako," walang gana kong sagot.

Kinakabahan akong matalo ng lalaking 'yon.

Handa akong matalo ng kahit na sino 'wag lang akong matalo ni Raven!

Nakuha na nga niya sa akin ang rank one na posisyon kaya hindi ko na talaga alam kung ano pa ang gagawin ko kapag natalo niya ulit ako!

Bukod rin sa announcement of the winners, mamayang hapon ay ipapaskil na rin ang final rankings bagay na mas nagpapakaba pa sa akin.

"Hindi ba't confident tayo kahapon na mananalo tayo? Anong nangyari sa confidence natin?" tanong ni Ryan habang patuloy pa rin sa pagbabasa ng libro.

To Love thy EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon