ALLEA'S POV
Paglabas ko sa aking unit ay sandali akong napatitig sa nakasaradong pinto ng unit ni Raven.
Naglakad ako patungo roon at inilapag ang isang paper bag sa tapat nito na naglalaman ng damit na pinahiram niya sa akin kagabi.
Bago rin ako umalis ay tumingin muna ako sa unit nina Ate Darlene. Mabuti na lang talaga at nakauwi na si Ate Darlene kaya may mag-aalaga na ulit kay Jasper, magaling na rin naman na raw si Tita Isabel. Nakokonsensya nga ako dahil hindi ko siya nadalaw, sobrang busy ko kasi nitong nakaraan.
"Ikaw na muna ang bahala rito, Michael." Tumingin ako kay Michael na naghihintay sa aking gilid.
Bahagya naman siyang yumuko. "Sige po, ma'am."
Ngumiti na lamang ako sa kaniya bago ako muling tumingin sa unit ni Raven.
He looks so mad at me earlier kaya umalis na lang ako. Hindi ko alam kung ano ba ang mayroon sa pocket watch na 'yon at ganoon na lang ang galit niya noong nabasag ko 'yon.
I feel so guilty because of what happened, but at the same time naisip ko na okay na lang din 'yon para talagang magalit siya sa akin at layuan niya na ako.
I don't mind being the villain in his eyes.
Naglakad na papaalis habang dala ang isang bag na naglalaman ng mga natitira kong gamit.
Isa talaga sa dahilan kung bakit ako nagmamadaling makauwi ay dahil ngayong araw na ako babalik sa aking bahay.
Naibenta ko na rin kasi ang unit ko kaya kailangan ko nang umalis para maayos na 'yon ngayon.
Nang makarating na ako sa parking lot ay dumiretso na ako sa aking kotse at inilagay ang aking bag sa back seat. Pagkaupo ko naman sa driver's seat ay nasampal ko ang aking sarili.
Wala pa akong tulog at nakadalawang tasa na rin ako ng kape, nasampal ko na rin ang sarili ko nang paulit-ulit, naligo na rin ako ng malamig na tubig pero kahit ano talaga ang gawin ko ay inaantok pa rin ako.
Hindi na talaga dapat ako sumama sa reuinion na 'yon.
Hindi naman ako nagsisinungaling na marami akong gagawin ngayong araw dahil bukod sa lilipat na nga ako sa bahay ko sa Cavite, kailangan ko pang i-check ang mga hotel ko.
What a busy day nga naman at hindi ko alam kung paano ko matatapos ang lahat ng gawain ko sa araw na ito lalo na't wala akong tulog.
"You can do this, Allea!" Muli kong sinampal-sampal ang aking sarili bago ko inistart ang aking sasakyan.
Ang first stop ko ngayong araw ay ang hotel ko sa Makati na hindi naman kalayuan mula sa rito.
Pagkarating ko roon ay tiningnan ko lang ang kalagayan ng hotel pati na rin ng aking mga staffs. Nang matapos na ako sa mga gagawin ko roon ay pumunta naman ako sa hotel ko sa Quezon City.
Bago ako bumaba sa aking kotse ay may natanggap akong text mula sa unregistered number na agad kong ipinagtaka.
'I miss you'
'Yan ang nakalagay sa text.
Wrong send lang ba 'to?
Hindi ko naman ipinamimigay sa kung sino-sino lang ang number ko kaya sino kaya ito?
Tiningnan ko naman ang recent calls sa akin at pinagkumpara ko ang number ni Raven sa number ng nag-text sa akin at nakita kong magkaiba naman sila ng number kaya imposibleng si Raven ang nag-text sa akin.
Baka nga na-wrong send lang.
Nairaos ko naman ang buong araw ko kahit na wala akong tulog at sangkaterbang trabaho ang nag-aabang sa akin.
BINABASA MO ANG
To Love thy Enemy
RomanceShe wanted to be the best for her parents, but he wanted to be the best for her. Allea Maeve Salvacion wants to be the best in the eyes of her parents, but Raven Beille De Vega made it difficult for her to do so. In everything that Allea does, Raven...