ALLEA'S POV
Bumusina ako sa harap ng bahay nina Chescka at inabot din ng ilang minuto bago ko siya nakitang lumabas sa kanilang gate dala-dala ang isang malaking bag na tingin ko ay naglalaman ng mga gamit niya.
Ngayong araw na 'yong reunion namin ng mga kaklase at ka-batch namin, at labag man sa loob ko ay pupunta ako roon, pero hindi rin naman ako magtatagal doon dahil wala akong ganang makipagplastikan sa kanila sa loob ng tatlong araw.
Binuksan niya ang pinto ng backseat at doon inilagay ang kaniyang mga gamit bago pumunta at naupo sa passenger's seat.
"Ang aga mo naman yata?" tanong niya habang kinakabit ang kaniyang seatbelt. Bakas sa boses niya ang excitement kahit na hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit siya na-e-excite na makikita niya ulit ang mga kaklase at ka-batch namin after ten years.
"Gusto ko lang makarating kaagad doon. Baka rin ma-traffic tayo," sagot ko at nagsimula na akong magmaneho.
"Nasaan nga pala 'yong mga gamit mo?" nagtataka niyang tanong.
"Hindi ako magsta-stay roon, uuwi rin agad ako mamayang gabi."
"Ha?!" Agad kong tinakpan ang aking tainga nang dahil sa malakas niyang pagsigaw. "Bakit naman?!"
Sandali ko siyang tiningnan bago ibinalik ang aking tingin sa daan. "The f*ck would I even do there? Makipag-plastikan sa kanila?"
Narinig ko ang mabigat at malalim niyang pagbuntong-hininga. "Allea, I understand na galit ka sa iilan sa kanila, pero may mga ka-batch at kaklase rin naman kasi tayong walang kilaman sa nangyari noon na gusto ka nang makita ngayon."
"Gustong makita? Bakit?" Bahagya akong natawa. "Para pagtawanan ako?"
Muli ko siyang sinulyapan. Nakangiwi na siya ngayon.
"Wala rin akong gana sa mga ganitong bagay, Chescka. Sino ba naman kasi ay may reunion na ganito? Three days at two nights sa isang private resort? What the heck is this? Retreat?" inis kong sambit.
"So uuwi ka talaga mamaya?" tanong niya.
"Oo, magpapakita at makikipag-plastikan lang ako sa kanila tapos uuwi na ako."
Narinig ko ang muli niyang pagbuntong-hininga. "Okay, if that's what you want."
Hindi na ako muling nagsalita pa kaya naman nabalot na kami ng katahimikan. Ngunit maya-maya lang ay muling nagsalita si Chescka.
"Lilipat ka na ba talaga ng tirahan?" tanong niya.
"Yes," tipid kong sagot.
"Ganoon ba nakakairita maging kapitbahay si Raven?" biro niya. "Is he that bad para lumipat ka?"
Sandali akong napaisip.
Hindi naman na kami ulit nag-uusap o nagpapansinan ni Raven matapos ko siyang alagaan panandalian noong may sakit siya.
Well nagpasalamat lang siya sa akin tapos hindi ko na siya masyadong nakakasalubong at nakikita dahil mukhang lagi rin siyang wala sa unit niya. Mukhang busy rin naman kasi siya kaya lagi siyang wala roon.
Hindi na rin naman na ako nagpupunta sa gym magmula noong sabihin niya sa akin 'yong mga nangyari. Mas pinili ko na lang na mag-exercise sa loob ng aking unit sa takot na baka mangyari ulit 'yong sinabi sa akin ni Raven.
"Allea?" tawag sa akin ni Chescka nang mapansin niyang hindi ako sumasagot.
"Yeah, he's really that bad."
"Saan ka naman lilipat?" tanong niya.
"May bahay ako sa ma Cavite kaya roon na lang muna ako. Wala rin namang makita si Michael na ibang condominium units around Manila kaya okay na 'yon."
BINABASA MO ANG
To Love thy Enemy
RomanceShe wanted to be the best for her parents, but he wanted to be the best for her. Allea Maeve Salvacion wants to be the best in the eyes of her parents, but Raven Beille De Vega made it difficult for her to do so. In everything that Allea does, Raven...