Chapter 26: Red lines

344 13 2
                                    


ALLEA'S POV

It's been a week at hindi pa rin tumitigil sa pagte-text ang unregistered number na 'yon.

Binlock ko naman na ang unang nag-text sa akin na number pero pagkatapos ko 'yon i-block ay may nag-text na naman sa akin. Block ulit tapos may nag-text na naman. Paulit-ulit lang ang nangyayari at kahit na anong gawin ko ay parang gumagawa talaga siya ng paraan para makapag-text sa akin.

Pinili ko na lang na huwag pansinin ang mga text messages na natatanggap ko dahil naisip ko nab aka mas lalo niya akong kulitin kapag pinakita kong naaapektuhan ako sa mga pinagsasasabi niya sa text.

May kutob na rin ako kung sino ang nagte-text sa akin.

Si Alfred.

Tinanong ko kasi si Chescka kung umalis ba si Alfred noong gabing umalis ako sa reunion namin. Sabi naman niya ay hindi niya raw alam kung kailan umalis si Alfred pero sigurado raw siya na wala na ito noong umaga. 'Yon din daw ang dahilan kung bakit beast mode na beast mode si Faye.

Ang ipinagtataka ko nga lang talaga ngayon ay kung paano niya nakuha ang number ko?

Habang naglalakad sa parking lot ay sandali kong tiningnan ang aking cell phone nang marinig ko itong tumunog.

Akala ko naman ay isang text message na naman mula kay Alfred ang natanggap ko, ngunit nagkamali ako dahil mula kay Dad ang natanggap kong mensahe.

'De Vega's are inviting us for dinner tonight. Make sure you'll be at their house before eight.'

Nangunot ang aking noo kasabay ng pagtingin ko sa oras ng aking cell phone.

It's already 6 PM.

Ano ang mayroon ngayon at iniimbitahan nila kami for dinner?

Napatingin ako sa petsa ngayong araw.

September 27?

Oh! Birthday ngayon ni Tita Isabel!

Sh*t! Kung birthday niya ngayon tiyak na nandoon sina Raven sa kanila ngayon.

Hindi na kami nagkita pa ni Raven magmula noong nagalit siya sa akin. Hindi ko na rin alam kung paano ko ba siya haharapin matapos ng nangyari bago ako umalis noong araw na 'yon.

I'm on my way to eat dinner dahil nagcra-crave ako na kumain sa favorite restaurant ko, kaya nga lang mukhang hindi ako makakakain doon ngayong gabi dahil nag-aaya ng dinner ang pamilya ni Raven.

Bibili na lang siguro ako ng regalo ngayon.

Nang makarating na ako sa tapat ng aking kotse ay binuksan ko na 'yon ay sumakay na ako sa loob. Saktong pagkasakay ko ay nakatanggap ako ng isang text message mula kay Chescka.

'Allea, can you come over? I have some problem kasi.'

Problem?

'Okay, wait for me.' I replied to her text.

Ano na naman kaya ang problema niya?

Nagmaneho na ako papunta sa pinakamalapit na mall dito at bumili ng isang bag mula sa isang luxury brand. Wala na akong ibang maisip na ipanre-regalo kay Tita Isabel at dahil mahilig din naman siya sa mga bags ito na lang ang ireregalo ko sa kaniya.

Bahala na kung mayroon na siya nito.

Pagkatapos kong bumili ng ipanreregalo sa kaniya ay dumiretso na ako sa bahay nina Chescka. Mabuti na lang talaga at hindi traffic kaya sandali lang ay nakarating na rin kaagad ako.

To Love thy EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon