RAVEN'S POV
What the f*ck was that?
"Ouch," I whispered as I touched my chest.
Pinagmasdan kong maglakad papalayo si Allea na para bang wala lang sa kaniya 'yong mga sinabi niya sa akin.
So all this time wala pala kami sa iisang page?
Nag-a-assume lang pala talaga ako ng kung ano-ano?
"Ang sakit naman no'n, Max, nalait na nga 'yong pangalan mo sinaktan pa ako ni Allea." Idinaan ko na lang sa tawa ang pait at sakit na nararamdaman ko.
So may boyfriend nga talaga siya? Pero sino roon? Si Michael? O si Ryan?
Who cares? Puwede ko naman siyang maagaw. Asawa nga naaagaw siya pa kaya na hindi pa kasal sa kung sino mang boyfriend niya?
"Tara na nga, Max." Hinatak ko na ang leash ni Max kaya naman tumayo na siya at sumunod sa akin.
Bumalik na ako sa aking unit at naabutan kong nagtatrabaho si Noah.
"Anyare?" bungad sa akin ni Noah. "Boss, parang ikaw pa yata ang mas napagod kaysa kay Max. Ikaw ba ang nag-walk? O ikaw ang winalk ni Max?"
Humagalpak sa tawa si Noah na para bang nakakatawa talaga ang joke niya.
Binitawan ko na ang leash ni Max at naupo ako sa tabi ni Noah.
"Noah," seryoso kong sabi at ipinatong ang aking kamay sa kaniyang balikat. "Kung totoo ang The Purge ikaw ang uunahin ko." Ipinulupot ko ang aking braso sa kaniyang leeg dahilan upang bahagya siyang masakal.
"Aray! Boss naman! Nasasakal ako!" Hinampas-hampas niya pa ang aking braso. "Ano ba ang nangyari sa'yo?! Bakit bigla kang naging ganiyan?! Masaya at okay ka naman kanina, ah? May nangyari ba?!"
Binitawan ko na siya at kasabay ng pagbitaw ko sa kaniya ay ang paghawak niya sa kaniyang leeg.
"Hindi naman 'yon mahigpit, ang OA mo naman."
"Boss, hindi ka yata informed na ang lakas mo. Araw-araw ka ba namang nag-gy-gym." Hinimas-himas niya ang kaniyang leeg na bahagyang namumula. Hindi naman talaga mahigpit ang pagkakasakal ko sa kaniya, o baka sadyang malakas nga lang talaga ako tulad ng sabi niya at hindi ko lang 'yon napapansin o nararamdaman. "Para kanino ba 'yang katawan mo?"
His question caught me off guard. "The f*ck was that question, Noah?!"
"I mean, bakit ba parang motivated kang pagandahin talaga 'yang katawan mo? Alam kong nag-gy-gym ka bukod sa health reasons."
Napabuntong-hininga ako kasabay ng paghilamos ko sa aking mukha gamit ang dalawa kong palad. "Tingin mo ba talaga mas maganda ang katawan ko kaysa sa katawan ng ibang mga lalaki?"
Napatingala ako at hinintay ko ang sagot ni Noah. Nang mapansin kong hindi siya sumasagot sa akin ay nilingon ko na siya.
Punong-puno ng pagtataka ang kaniyang mukha at para bang hindi ma-process sa kaniyang utak ang tanong na tinanong ko sa kaniya.
"Boss?"
"The f*ck are you thinking?" Inis ko siyang binatukan. "Answer my f*cking question, Noah. Sino ang mas guwapo sa amin nina Ryan at Michael?"
"Siyempe ikaw!" sagot niya habang hinihimas ang kaniyang batok.
Bahagya akong napangiti sa kaniyang sagot.
Hindi ko man masyadong nakita ang mukha ni Michael kahapon sure naman ako na mas guwapo ako sa kaniya. Hindi ko pa rin nakikita ang itsura ngayon ni Ryan, which is sure ako na 'yon 'yong Ryan na may gusto dati kay Allea, pero sure din naman ako na mas guwapo ako roon. Noon pa lang din naman ay mas angat na ang looks ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
To Love thy Enemy
RomanceShe wanted to be the best for her parents, but he wanted to be the best for her. Allea Maeve Salvacion wants to be the best in the eyes of her parents, but Raven Beille De Vega made it difficult for her to do so. In everything that Allea does, Raven...