Chapter 34: Safest Place

358 11 0
                                    

ALLEA'S POV

"Let's go out today."

'Yan ang mga katagang sinabi sa akin kaninang umaga ni Raven noong nakita niya akong nagkukulong sa aking kuwarto habang nanonood ng mga vlogs ni Toby.

Halos mag-usok pa nga ang ilong niya nang makita niya akong pinapanood ang vlogs ng taong kinaiinisan niya sa hindi malamang dahilan.

Ano ba kasi ang problema niya kay Toby?!

Mabait naman si Toby 'tsaka nanonood lang naman ako dahil bored ako at pinapanood ko lang din ang mga vlogs ni Toby kasi nga entertaining.

Noong sinabi kong bored ako sinabi sa akin na lumabas na lang daw kami kaysa manood ako ng mga vlogs ni Toby.

Baliw talaga.

"Hey, Raven," tawag ko sa kaniya nang makasakay na kami sa loob ng kaniyang kotse.

Nakaupo ako sa passenger's seat samantalang siya naman ang nakaupo sa driver's seat.

"Yes?" Nakangiti siyang lumingon sa akin habang pinapaandar niya ang kaniyang kotse.

"This is not what I want." I crossed my arms. "Gusto ko nang magtrabah-"

"Stop thinking about work, Allea." He cut me off. "Relax din paminsan-minsan."

Napairap na lang ako.

***

At ito, ito pala ang sinasabi niyang pagre-relax.

"Allea, ano'ng gusto mong panoorin?" masaya niyang tanong habang nasa pila kami ng bilihan ng ticket sa sinehan.

Wala pa pala siyang gustong panoorin pumila na kaagad ang loko.

Pero kung sabagay, mahaba rin naman kasi talaga ang pila kaya okay na 'to. Mabuti nang nag-iisip kami habang nasa pila.

Tiningnan ko ang mga palabas na ipapalabas ngayong araw sa malaking screen na nasa aming gilid.

"Ito." Turo ko sa isang horror movie. "'Yan ang gusto kong panoorin."

Para namang namutla si Raven sa aking itinuro at hindi kaagad siya nakasagot sa akin.

"Bakit? May angal ka?" pabiro kong tanong sa kaniya. "Don't tell me ta-"

"Hindi, ah! Favorite ko nga 'yong mga horror movies!" agad niyang sabi at nagpilit ng isang ngiti.

Liar.

Sa itsura pa lang niya halatang ngayon pa lang ay natatakot na siya.

Ano ba kasi ang inaasahan niyang gusto kong panoorin? Cartoons? Animated film? Romance movie? Comedy movie?

I find those things boring at ang tanging bagay na interesado akong panoorin ay 'yong mga horror films.

Para din kasi sa akin hindi naman nakakatakot ang mga 'yon. Hindi nga rin ako nagugulat sa ma jump scares.

Mahaba ang pila sa bilihan ng tickets ngunit umuusad naman 'yon. Nang kami na ang nasa unahan ay tila nagdadalawang isip si Raven sa bibilhin niyang ticket.

Tsk, duwag naman pala sa mga gano'n.

Matapos naming bumili ng ticket ay bumili si Raven ng popcorn at maiinom, matapos no'n ay dumiretso na rin kami sa loob ng sinehan. Nasaktuhan kasing magsisimula na ang movie na papanoorin namin.

Naupo kami sa bandang taas at maya-maya lang ay nagsimula na ang palabas.

Kalmado lang akong nanonood samantalang itong katabi ko yata ay kabadong-kabado na.

To Love thy EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon