ALLEA'S POV
Nagising ako dahil sa malakas na tunog ng aking alarm clock.
Inaantok man ay pinilit ko pa ring iminulat ang aking mga mata, agad ko na ring kinapa ang aking alarm clock at pinatay ang alarm.
Agad na umikot ang aking paningin pagkabangon ko. Paano ba naman kasi uminom ako kagabi.
Sa sobra ko kasing inis kay Raven ay nainom ko ang lahat ng can ng beer na binili ko kagabi. Halos sampu rin yata 'yon kaya mabigat ang ulo ko ngayon.
Buwisit talaga 'yong lalaking 'yon!
Hahanap na talaga ako ng malilipatan ko, ako na ang mag-a-adjust para sa peace of mind ko.
Tatanggapin ko na kahit medyo malayo sa opisina basta makalayo lang ako sa buwisit na lalaking 'yon.
Lintek naman kasi! Ginawa ko na nga ang lahat para iwasan siya, noong umalis kasi siya para mag-aral sa ibang bansa ay panay ang padala niya sa akin ng mga email na hindi ko naman binabasa. Sinubukan kong i-block ang email niya kaya nga lang gumagawa pa rin siya ng panibagong email. Isang beses lang din ako nag-reply sa kaniya at 'yon iyong point na rinding rindi na ako sa kaniya.
Paano ba naman kasi purong Dear Maeve ang simula ng mga email niya. Oo nga hindi ko nga binabasa pero hindi ko maiwasang mapansin na 'yon sa unahan ng mga email niya. Sinabihan ko na rin siya an itigil niya na ang pagtawag sa akin ng Maeve at ang pag-send sa akin ng mga emails dahil hindi ko naman binabasa, pero napakakulit nga naman talaga ni Raven. Hanggang sa ang ginawa ko ako na lang ang gumawa ng bagong email at hindi ko na kailan man binuksan pa ang email account na 'yon.
"Buwisit talaga!" Inis akong napakamot sa aking ulo kasabay ng aking pagtayo.
Nagbihis na ako ng pang-work out at sakto namang pagkatapos kong magbihis ay may nag-doorbell. Akala ko naman ay si Raven na naman ang nasa labas at handa na sana akong manapak, kaya nga lang nakita kong si Michael pala ang nasa labas ng pinto at kasama niya si Jordan.
Pinagbuksan ko siya ng pinto at agad na tumakbo papunta sa akin si Jordan. Binuhat ko naman siya at pinaulanan ng mga halik.
"Ma'am nadala ko na si Jordan sa vet kahapon, healthy naman daw siya," nakangiting wika ni Michael.
Kaya ko talaga gustong-gusto si Michael bilang secretary ko, bukod sa kilalang-kilala na niya ako ay alam na rin niya ang mga dapat niyang gawin na minsa'y nakakalimutan ko na nga.
Pag-uwi ko noong nakaraan galing sa party ni Raven ay nagtaka ako kung bakit wala si Jordan sa unit ko, kinabahan din ako kasi baka mamaya nakalabas siya o may nagnakaw sa kaniya, mabuti na lang at nabasa ko kaagad ang text sa akin ni Michael na kinuha raw niya muna si Jordan dahil may schedule ito sa vet.
Sa sobra ko ngang busy ay nakalimutan ko na ang tungkol sa check-up ni Jordan, mabuti na lang talaga at nandito si Michael.
"Thank you, Mi-" Agad akong natigilan nang bumukas ang pinto mula sa unit ni Raven. Lumabas din mula roon si Raven na nakasuot ng itim na fitted shirt at shorts.
Nagtama ang tingin namin ni Raven ngunit agad niyang inilipat ang kaniyang tingin kay Michael.
Ibinalik ko na rin ang tingin k okay Michael at binigyan siya nang pinakamatamis kong ngiti. "Thank you, Jordan! Napaka-thoughtful mo talaga! Kaya mahal na mahal kita, eh!" At isinukbit ko sa braso ni Michael ang isa kong braso na hindi nakahawak kay Jordan. "Tara na!"
Kunot-noo at puno ng pagkalito ang tingin sa akin ni Michael nang hinatak ko siya papasok sa loob ng unit ko. Bago ko pa isara ang aking pinto ay napansin ko ang masama at matalim na tingin ni Raven.
BINABASA MO ANG
To Love thy Enemy
RomanceShe wanted to be the best for her parents, but he wanted to be the best for her. Allea Maeve Salvacion wants to be the best in the eyes of her parents, but Raven Beille De Vega made it difficult for her to do so. In everything that Allea does, Raven...