RAVEN'S POV
What. The. F*ck?
Agad akong natauhan at nagising nang makita kong sumara ang pinto ng elevator.
Sh*t! Masyado akong napatulala dahil kay Allea!
Agad kong pinindot ang floor kung saan naroroon ang unit ko.
What the f*ck was that?! Si Allea ba talaga 'yong kausap ko kanina?
Ang laki na ng pinagbago niya, she became bolder.
She never failed to amaze me.
Pero akala ko talaga nanlalalaki na siya, magre-request sana ako na ako na lang ang gawin niyang kabit, willing naman ako basta siya. Biro lang.
*Ting*
Lumabas na ako sa elevator at naglakad papunta sa unit ko, bago ako pumasok doon ay sandali ko munang pinagmasdan ang saradong pinto ng unit ni Allea.
I wonder what she's doing right now.
Naglaladian ba sila ng boyfriend niya sa loob?
"What the f*ck am I thinking about?" inis kong bulong sa aking sarili at pumasok na sa aking unit.
Agad naman akong sinalubong ni Max, ang golden retriever ko.
Lumuhod ako at sandaling hinimas ang makapal niyang balahibo, matapos no'n ay tumayo na ako at nagtungo sa banyo at mabilis na maligo.
Habang naliligo ako ay hindi mawala sa aking isipan ang mga sinabi ni Allea kanina.
"Ikaw nga rin pala dapat ang madamit ng maayos."
Alam kong maganda ang katawan ko, hindi ko 'yon itatanggi at hindi rin 'yon maitatanggi ng sino mang makakakita.
"Ikaw ang pinagnanasahan kanina sa gym."
So that means nakita niya rin kanina?
Don't tell me naglalaway rin siya sa akin?
Umepekto ba ang pangungulit ko sa kaniya? Umepekto ba ang paulit-ulit kong pagse-send sa kaniya ng mga messages sa email?
Hindi kaya gusto na rin ako ni Allea nahihiya lang siyang magsabi sa akin? Tapos kaya lang siya nag-boyfriend kasi gusto niya lang alamin kung mahal niya talaga ako?
Finally! Nagbunga na rin ang pangungulit ko sa kaniya!
Kung sabagay, sino nga naman ang hindi ma-i-in love sa akin? Ako? Si Raven? Matalino, mabait, sporty, at todo effort pa! Sino ang hindi mahuhulog sa akin?!
Sa loob ng higit sampung taon araw-araw kong pinadadalhan si Allea ng mga mensahe sa email niya. Binlock niya pa nga ako ng ilang beses pero hindi ako tumigil, alam ko kasing nagpapakipot lang siya. Sabi kasi ni Dad nagpapakipot lang daw talaga ang mga babae kahit na gustong-gusto naman talaga nila.
Sa sampung taon kong pagme-message sa kaniya araw-araw, isang beses lang siyang nag-reply sa akin at mukhang galit pa, pero again, alam kong pagpapakipot lang 'yon.
Hindi rin siguro siya nagre-reply sa mga emails ko kasi kinikilig siya sa mga pinapadala kong mensahe at sobrang speechless din siya sa mga sweet words ko.
Kaya rin siguro siya masungit sa akin at kaya niya rin siguro ako iniiwasan dahil nagpapakipot siya sa akin.
"Hay, Allea, you can just tell me that you want me," natatawa kong sabi kasabay ng pagpunas ko sa aking basang katawan gamit ang isang tuyong towel.
Matapos kong mapunasan ang aking katawan ay isinuot ko na ang bathrobe ko at tiningnan ang aking sarili sa salamin.
Sa guwapo ko nga namang 'to hindi na siya lugi, walang lugi sa akin, mukha pa lang panalo pa, lalo na kapag dinadag pa ang katawan ko.
BINABASA MO ANG
To Love thy Enemy
RomanceShe wanted to be the best for her parents, but he wanted to be the best for her. Allea Maeve Salvacion wants to be the best in the eyes of her parents, but Raven Beille De Vega made it difficult for her to do so. In everything that Allea does, Raven...