Chapter 23: Belt

325 11 2
                                    


ALLEA'S POV

"What the f*ck, Raven?!"

"What?" Nagkibit-balikat siya bago muling pumunta sa kaniyang maliit na maleta. May kinuha siya mula roon at hinagis 'yon sa akin na agad ko namang sinalo. Towel. "Magpunas ka muna at magpalit ng damit, ihihiram kita ng damit. Diyan ka lang."

"Pero paano ka?" Halos masampal ko ang aking sarili nang biglang lumabas 'yon sa aking bibig.

Why do I even care?

I hate him pero kawawa rin naman ang itsura niya. Mukha rin siyang basang sisiw katulad ko.

Pipilipitin ko talaga leeg ng kung sino man na tumalon bigla kanina sa pool.

Sabay naming tiningnan ang isa't isa mula ulo hanggang paa. Parehas na tumutulo ang damit namin pero mas basa siya kaysa sa akin.

"You're wetter than me." Iniabot ko sa kaniya ang kaniyang towel. "Ikaw ang dapat na magpalit, ako na ang bahala sa damit ko."

He smirked. "So you're telling me that you're also wet?"

My eyebrows frowned. "Hindi ba halata?" I sarcastically said. "I'm dripping wet. Can't you see it?"

His playful smirk widened. "Oh really? You're wet?" He took a step towards me. "I can make you wetter."

Agad na nanlaki ang aking mga mata nang mapagtanto ko kung ano ang ibig niyang sabihin.

"What the f*ck, Raven?!" Binato ko sa kaniya ang kaniyang towel.

Tumatawa naman niyang pinunasan ang kaniyang sarili gamit ang towel at mas lalong nanlaki ang aking mga mata nang bigla niyang hinubad sa aking harapan ang kaniyang suot na polo shirt.

"What the f*ck are you doing, Raven?!" sigaw ko kasabay ng pagtakip ko sa aking mga mata gamit ang aking mga kamay. Tumalikod na rin ako mula sa kaniya.

Sh*t! Ang init ng mukha ko!

"What?" He chuckled. "Akala ko ba magpalit na ako?" Narinig ko naman ang pagtunog ng bakal ng kaniyang belt na mukhang nahulog sa sahig.

The f*ck?! Nagpapalit talaga siya habang nandito ako?!

"G*go ka ba?" inis kong sabi. "Wala naman akong sinabi na magpalit ka sa harap ko!"

"Ah? Magpapalit ba ako sa harap mo?" Naramdaman ko naman ang kaniyang presensya sa aking harapan.

The heck?! Tumalikod na nga ako tapos pupunta naman siya sa harapan ko?!

"You're ears are burning red," puna niya.

Agad ko namang tinakpan ang aking mga tainga gamit ang aking mga kamay. Nawalan tuloy ng takip ang aking mga mata at hindi ko rin alam kung bakit ba ako nakadilat.

Bumungad sa akin si Raven na walang suot na pang-itaas ngunit naksuot pa rin naman ang kaniyang pantalon... bukas nga lang ang butones at zipper nito.

"What the f*ck?!" sigaw ko at agad na ipinikit ang aking mga mata. "Magbihis ka na, Raven!"

Mas lalo pang nag-init ang aking mukha at halos hindi matanggal sa aking isipan ang aking nakita.

What the f*ck! I'm going to go crazy!

"Magbihis na ba ako? Mukhang na-enjoy mo yata ang view, eh."

Narinig ko pa ang nakaloloko niyang tawa.

Buwisit talaga!

Muli akong tumalikod sa kaniya "I'm going to count to three. Kapag hindi ka pa nakabihis sasapakin talaga kita."

To Love thy EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon