ALLEA'S POV
*Continuation of the flashback*
As usual, maaga na naman akong pumasok para makapag-aral at mag-advance reading sa mga upcoming lesson namin.
Pagpasok ko ay wala pang tao sa loob ng classroom ngunit may isang bagay na nakaagaw sa aking atensyon.
May ibinigay na naman siya.
Dahan-dahan akong lumapit sa aking upuan at kinuha ang isang can ng iced coffee na lagi kong iniinom. May sticky note rin na nakalagay sa ilalim no'n kaya naman binasa ko ang nakasulat.
'Start your day with a smile! I'm so proud of you! –Your Secret Admirer'
Hindi ko maiwasang mapangiti.
Wala akong ideya kung sino siya pero hindi naman ako nakararamdam ng any creepy vibes sa kaniya dahil mukha naman siyang mabait. Mukha ring kilalang kilala niya ako dahil alam niya ang mga paborito at gusto ko.
O baka naman observant lang talaga siya?
Palagi ko kasing iniinom ang iced coffee in can na ito at kinakain at iniinom ko rin ang karaniwan niyang ibinibigay sa akin.
Hindi ko na matandaan kung kailan ito nagsimula. Siguro noong nakaraang linggo? Hindi ko nga lang masyadong pinapansin noon dahil wala akong pake, pero ngayon na-a-appreciate ko na siya.
Ang sarap pala sa feeling na may taong nagpaparamdam sa'yo ng care 'no?
Umupo na ako sa aking upuan at sinimulang inumin ang iced coffee in can na bigay niya at nagbasa na.
····●·○·●·○·●·○·●·○·●····
Ilang subjects na ang natapos at lunch time na. Himala rin at hindi ako ginulo o binulabog ni Raven. Hindi niya rin ako pinapansin kaya hindi ko rin siya pinapansin.
Sino ba siya para pansinin ko?
Siguro ay galit siya sa nangyari sa birthday niya noong Sabado. Well, galit din naman ako sa kaniya. Siya nag-umpisa nito kaya 'wag niyang sabihin na asar talo siya.
As usual hindi ulit ako kumain ng lunch. Desidido talaga akong mabawi ang rank one na 'yon kaya magsusunog ako ng kilay sa pag-aaral.
Lumalabas lang muna ako para kumuha ng ilang libro sa aking locker. Nasa labas lang naman ng classroom namin ang mga locker kaya hindi ko na kailangan pang maglakad nang malayo.
Nang maisara ko ang aking locker ay may nahagip ang aking mga mata na isang pamilyar na mukha.
Dumaan siya sa aking harap at nang makalampas siya ay agad ko siyang tinawag.
"Kuya!" tawag ko sa kaniya.
Hindi naman siya lumingon kaya naman wala na akong ibang nagawa kundi ang habulin siya at kalabitin sa kaniyang balikat.
Napalingon siya sa akin at nanlaki pa ang kaniyang mga mata nang makita ako na para bang hindi niya ako inaasahang makita.
Marahan niyang tinanggal ang earphones na kaniyang suot, bagay na hindi ko napansin kanina. Kaya naman pala hindi niya ako narinig kanina dahil may suot siyang earphones.
Napansin ko ang isang bar pin na nakakabit sa suot niyang sweater.
Student Council Junior Secretary: Jimenez, Ryan Noell F.
"Y-yes?" mahina niyang sabi.
Doon ko lang napagtanto na nakatitig na pala ako sa suot niyang bar pin.
BINABASA MO ANG
To Love thy Enemy
RomanceShe wanted to be the best for her parents, but he wanted to be the best for her. Allea Maeve Salvacion wants to be the best in the eyes of her parents, but Raven Beille De Vega made it difficult for her to do so. In everything that Allea does, Raven...