Chapter 24: Pocket Watch

335 9 0
                                    

ALLEA'S POV

"There's nothing to continue." I pushed him. "Wala naman tayong ginagawang kung ano."

"Oh really?" He smirked. "Wala nga ba, Allea?"

Muli kong naramdaman ang pag-init ng aking mukha nang dahil sa sinabi niya.

I hate how he can make me feel like this!

"Yeah, wala." Tinabig ko siya. "Uuwi na ako."

I made my way to the exit, but I immediately stopped when I heard him laugh.

What the f*ck is funny? Is he laughing at me or what?

"Uuwi ka na?" tumatawa niyang tanong sa akin. "It's raining heavily, Allea."

I turned around and raised an eyebrow. "So? I have my car." I crossed my arms. "Wala akong pake kung gaano pa kalakas 'yang ulan na 'yan. Uuwi ako."

Tumalikod na ako at pinihit ang doorknob.

Bigla naman akong nakuryente nang hawakan niya ako sa aking palapulsuhan at hatakin paharap sa kaniya.

"No, you're not going anywhere." His voice was cold yet serious. He stared into my eyes and I saw how serious he was. "Kung gusto mo na talagang umuwi ngayong gabi, patilain mo muna ang ulan. I won't let you go home in this kind of weather."

Umuulan ba talaga o ginag*go niya lang ako?

Napatingin ako sa bintana at nakita kong umuulan nga at napakalakas din nito at Mukhang puti na nga lang din yata ang makikita ko sa daan.

Delikado ngang umalis ngayon.

Pero bakit hindi ko man lang naramdaman na umuulan na pala? Ganoon ba ako ka-distracted kanina para hindi mamalayan ang pag-ulan?

"Fine, hindi muna ako aalis ngayon, papatilain ko muna ang ulan." Ibinalik ko ang aking tingin kay Raven.

Ngumiti naman siya at bahagyang ginulo ang aking buhok. "Good girl."

What? Good girl?

"I'm not a dog, Raven." Itinabig ko ang kaniyang kamay.

Tumalikod na ulit ako at pinihit na ang doorknob.

"Saan ka naman pupunta? Akala ko ba hindi ka aalis ngayon?"

"Manghihiram ng damit," tipid kong sagot at saglit siyang tinapunan ng tingin.

Naglakad na ako palabas ng lodge kahit na hindi ko naman alam kung saan ba ang daan palabas dito.

Napahinto rin naman kaagad ako nang maisip kong baka wala na sila sa pool dahil nga malakas ang pag-ulan ngayon.

Pero kung wala na sila ngayon sa pool nasaan naman kaya sila?

Naagaw ng aking atensyon ang maiingay na boses ng mga tao. Sinundan ko ang kanilang mga boses hanggang sa makarating ako sa may terrace ng lodge at natagpuan ko silang nakaupo sa sahig at nakabilog.

Malawak ang terrace at may bubong din kaya naman nagkasya silang lahat at hindi rin sila nababasa ng ulan.

Napansin ko naman ang deck of cards at mga bote ng mga alak sa gitna nila, at mula pa lang sa mga nakikita ko ay mukhang naglalaro sila ng drinking game.

"Allea! Raven! Dali na! Sali na kayo!"

Nanlaki ang aking mga mata nang tawagin nila kami. Wait? Kami? Ako lang naman ang mag-isang pumunta rito, ah?

Lilingon pa lang sana ako sa aking likuran nang may pumatong na coat sa aking balikat.

Kahit hindi ko na tingnan kung sino 'yon ay alam ko na kaagad kung sino ang gumawa no'n.

To Love thy EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon