ALLEA'S POV
*Continuation of the flashback*
It's now our vacation, at lagi akong may ginagawa tuwing bakasyon.
I always start a new hobby or I study new things tuwing bakasyon dahil 'yon ang gusto ng mga magulang ko. At ngayong bakasyon, naisipan nila akong ipasok sa music school para mag-aral mag-piano.
"Make sure you learn how to play a piano bago matapos ang bakasyon," bilin sa akin ni Dad habang nasa labas kami ng music school. "Halos lahat ng mga kakilala namin marunong mag-piano ang mga anak nila so make sure na matututo ka rin."
Napayuko na lang ako. "Yes, Dad." 'Yan na lamang ang tanging naisagot ko kahit na gusto kong itanong sa kaniya kung hindi pa ba sapat na marunong akong tumugtog ng gitara, ukulele, violin, at harp.
Gusto ko ring itanong sa kaniya na hindi pa ba sapat na marunong akong magsalita ng higit sa sampung lenguahe. Kaya nga lang naalala ko, hindi nga pala sila marunong makuntento.
Iniwanan na ako ni Dad kaya naman pumasok na ako sa loob ng music school. Naglakad na ako papunta sa klaseng aking papasukan at nasa labas pa lamang ako ng classroom ay nakarinig na ako ng pagtugtog ng piano sa loob nito.
Masarap sa tainga at nakaaantok ang musikang tinutugtog sa piano. Masasabi ko rin na bihasa sa pagtugtog ng piano ang tumutugtog nito.
Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob ng classroom at sumilip sa loob nito.
Nakatalikod ang lalaking tumutugtog ngayon ng piano. Kitang-kita ko rin kung gaano kagaling ang kaniyang mga kamay sa pagtugtog nito at halata rin ang nakagagaang emosyong inilalabas niya sa bawat pagtungtong ng kaniyang mga daliri sa teklado ng piyano.
Kakaibang melodiya ang tinutugtog niya na para bang nanggagaling talaga 'yon sa kaniyang puso.
Palakpakan ng mga nanonood ang agad na sumalubong sa kaniya nang matapos niya ang piyesang kaniyang tinutugtog. Maski ako na nakasilip lang sa may awang ng pinto ay napapalakpak din.
Ang galing niya.
"You did great!" papuri sa kaniya ng music instructor.
"Thank you po."
Agad na nawala ang ngiti sa aking labi at napatigil din ako sa pagpalakpak nang tumayo ang lalaki at humarap upang tingnan ang music instructor.
What the heck?! Ano'ng ginagawa niya rito!
"Ang galing mo na tumugtog ng piano, Raven! Parang may pinaghuhugutan ka talaga sa tunugtog mo!" biro sa kaniya ng music instructor. "In love ka ba?"
"Siguro?"
Gusto kong magsabi ng mga masasamang words! Buwisit! Bakit nandito 'yan!
***
"Allea, hindi ka raw sumipot sa piano lesson mo kanina?" maawtoridad na tanong sa akin ni Dad.
Kasalukuyan kaming kumakain ng dinner ngayon pero pakiramdam ko para akong nasa hot seat at hindi nasa hapag.
"Sumama po kasi 'yong tiyan ko kanina," palusot ko. "Dad, puwede po bang dito na lang po ako mag-aral ng piano? Puwede po bang 'wag nap o sa music school? Feeling ko po kasi mas matututo ako kaagad kapag dito po ako nag-aral."
Nagkatinginan naman sina Mom at Dad na tila ba nag-uusap silang dalawa sa pamamagitan lamang ng pagtitig sa isa't isa.
Ayos lang naman sa akin na mag-aral sa music school dahil alam kong matututo rin ako roon pero nagpalusot lang talaga ako dahil ayokong makita si Raven.
BINABASA MO ANG
To Love thy Enemy
RomansShe wanted to be the best for her parents, but he wanted to be the best for her. Allea Maeve Salvacion wants to be the best in the eyes of her parents, but Raven Beille De Vega made it difficult for her to do so. In everything that Allea does, Raven...