Chapter 30: Why?

316 8 0
                                    

ALLEA'S POV

"Eat this first." Inilapag ni Raven ang isang tray na naglalaman ng isang bowl ng kung ano mang pagkain at isang basong tubig. "Then drink this." Inilapag niya sa tabi no'n ang isang banig ng gamot.

"Wow? Mag-o-overdose ako?" biro ko. Kumuha ako ng tissue at suminga roon.

Sumama ang tingin sa akin ni Raven na tila ba hindi niya nagustuhan ang biro ko. "Not funny, Allea."

Mahina akong tumawa. "Sabi mo kasi inumin ko 'yan eh."

"Isa lang. Hindi ko sinabing lahat." He crossed his arms. "Masyado ka naman yatang pilosopo ngayon?"

Wow! Ako pa talaga ang pilosopo?!

"Sabi ng akala mo hindi rin pilosopo," sarcastic kong sabi.

Naupo siya sa gilid ng aking kama at marahang hinimas ang aking buhok.

"What the f*ck, Raven?!" inis kong tinabig ang kaniyang kamay. "Galit na galit pa rin ako sa'yo! Akala mo ba nagiging mabait na ako sa'yo?!"

He chuckled. "But you hugged me back last night."

Bahagyang nag-init ang aking pisnge.

Buwisit naman kasi! Bakit ko ba siya niyakap kagabi?! Bakit ako nakaramdam ng awa kagabi?!

Nakakaasar dahil magmula noong niyakap ko siya kagabi akala niya close na kami at akala niya okay na kami.

Kailan ba kami naging okay?

"Raven, baka nakalilimutan mo na grabe ang pagdurusa ko nang dahil sa'yo, na nasaksak ako nang dahil sa'yo, at nagkasakit ako ngayon dahil din sa'yo."

Imbes na magalit o mainis sa sinabi ko ay ngumiti lang siya at may kinuhang paper bag sa gilid ng aking kama. "I know, that's why I'm sorry." Ibinigay niya sa akin ang paper bag.

Tumaas ang kilay ko nang tanggapin ko iyon at tingnan kung ano ang nasa loob nito. "Ano 'to?" tanong ko kasabay ng pagkuha ko ng box na nasa loob no'n.

"Cell phone."

Hindi nga siya nagbibiro dahil nang buksan ko ang box ay cell phone nga ang laman no'n.

"May bagong sim card na rin sa loob niyan, 'wag mo nang gagamitin 'yong dati mong sim card."

"Paano 'yong mga contacts ko?" tanong ko.

"Nailipat ko na lahat ng mahahalaga mong contacts diyan."

Tumayo na siya. "I'll be going to the office today, 'wag mo na ring isipin ang lahat ng mga trabaho mo, ako na ang bahala sa lahat ng 'yon." He smiled at me. "Dito ka lang, ah? I'll be back after work. Magpagaling ka."

Bago siya makalabas ng aking kuwarto ay nagsalita ako. "Why, Raven?" I asked. "Why do I have to stay here?"

"Don't ask why, just trust me."

***

"I'm so bored, Chescka." Napabuntong-hininga ako.

"I'm really sorry kung hindi ako makakapunta diyan ngayon. Gusto man sana-"

"No it's fine," bored kong sabi. "Ayoko ring mahawa ka sa sakit ko."

"I really feel bad, Allea. Hindi na nga kita nadalaw sa ospital last time, tapos hindi pa kita mapupuntahan diyan ngayon," malungkot niyang wika mula sa kabilang linya.

"No, it's okay, naiintindihan ko naman. Don't feel bad about it, I totally understand lalo na't buntis ka pa ngayon." Bumiling ako sa higaan. "By the way, do you have Ryan's number ba? Can you give it to me?"

To Love thy EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon