ALLEA'S POV
*Continuation of the flashback*
Kabado at hindi ako mapakali.
Kanina pa rin ako lakad nang lakad at kanina ko pa rin nakakagat ang aking hinlalaki sa sobra kong kaba.
"Hindi ka yata mapakali?" Halos mapatalon ako nang magsalita si Ryan sa aking tabi. "Inom ka muna ng tubig, Ate."
Napangiwi ako. "'Wag mo na nga ako tawaging Ate. Ang weird pakinggan hindi ako sanay."
Nahihiya siyang kumamot sa kaniyang batok at inabutan ako ng isang bottled water. Kinuha ko naman 'yon at bubuksan ko pa lang sana nang mapansin kong maluwag na ang takip nito.
"Ininuman mo na 'to 'no?" biro ko sa kaniya.
Kaagad siyang umiling. "H-hindi! Promise! Binuksan ko lang talaga para hindi ka mahirapan magbukas!"
Napangiti ako sa kainosentihan niya at ginulo ko ang kaniyang buhok. "I know, binibiro lang kita."
Nakita ko pa ang pamumula ng kaniyang tainga bago siya umiwas ng tingin sa akin.
Ang cute talaga.
Uminom na ako ng tubig at halos maubos ko na ang laman ng bottled water pero hindi pa rin kumakalma ang aking puso.
Ngayong araw na kasi ang miting de avance.
Sobrang bilis nga lang ng mga pangyayari. Last week kasi may evaluation at parehas kaming natanggap ni Raven, which means parehas kaming eligible to run for the position na gusto naming takbuhan, at dahil nga iisa kami ng position na tatakbuhan ay malamang sa malamang ay magkalaban talaga kaming dalawa. Magkalaban din ang party-list na parehas naming pinamumunuan.
Nag-umpisa na rin ang aming campaign last week at todo suporta sa akin ang iilang mga estudyante kabilang na roon sina Chescka at Ryan na parehas din na tumakbo sa student council. Tumatakbo si Chescka bilang representative, samantalang si Ryan naman ay vice president. Nasa iisang party-list lang din kaming tatlo.
Sobrang bilis lang talaga ng mga pangyayari at nakape-pressure nga rin lalo na't nag-campaign lang kami sa loob ng isang linggo at ngayon naman ay miting de avance na tapos bukas naman ang botohan.
Kinakabahan talaga ako sa magiging resulta dahil aaminin ko, malabong manalo ako laban kay Raven.
Kung makapag-campaign ba naman kasi si buwisit akala mo mayor ang tatakbuhan na puwesto! Plus, sikat siya sa hindi ko talaga malaman na dahilan.
Dahil ba guwapo siya kaya siya sikat? Bakit, maganda naman ako, ah?
Kung looks lang ang pagbabasehan may ilalaban ako!
"Allea," tawag sa akin ni Chescka. "Be ready na raw magsisimula na raw ang miting da avance."
Nagpakawala ako ng isang mabigat at malalim na buntong-hininga.
Kinausap ko na lahat ng miyembro sa aming party-list at inihanda nila.
Makalipas ang sampung minuto ay nagsimula na ang miting de avance.
Hiyawan ang kaagad na bumungad sa amin nang tumungtong kami sa loob ng multi-purpose hall ng school. Mas lumakas naman ang sigawan ng mga tao nang dumating ang partido nina Raven.
Ipinakilala kami ng mga hosts at nagpunta kami sa kaliwang bahagi ng stage samantalang ang partido naman nina Raven ay nasa kanang bahagi ng stage.
Nagsalita pa ang hosts bago kami tinawag para sa gaganaping debate.
BINABASA MO ANG
To Love thy Enemy
RomanceShe wanted to be the best for her parents, but he wanted to be the best for her. Allea Maeve Salvacion wants to be the best in the eyes of her parents, but Raven Beille De Vega made it difficult for her to do so. In everything that Allea does, Raven...