ALLEA'S POV
*Continuation of the flashback*
Natapos ang bakasyon nang hindi ko man lang namamalayan.
Masyadong mabilis ang oras kaya siguro ganoon, o baka sa sobrang abala ko noong bakasyon kaya hindi ko na naramdaman na tapos na pala ang bakasyon.
Buong bakasyon ay nag-aral lang ako tumugtog ng piano. Sa buong bakasyon din namin ay araw-araw na nasa amin si Raven para turuan daw ako mag-piano kahit na ang totoong habol lang naman niya talaga sa amin ay ang luto ng chef namin at pati na rin ang inisin ko.
Mabait naman pala talaga si Raven, at 'yon siguro ang dahilan kung bakit marami siyang kaibigan. Ang tanging ayaw ko lang talaga sa kaniya ay ang bastos niyang bibig na minsan ay gusto ko nan gang tapalan ng duct tape. Pero ang bibig niya lang naman talaga ang bastos kasi wala naman siyang ginagawang kung anong masama sa akin kahit na madalas ay kami lang dalawa ang magkasama.
Marunong na ako mag-piano at kahit na anong sabi ko kay Raven na 'wag na siyang pumunta sa amin pumupunta pa rin siya dahil sa pagkain, kaya naman kaysa buwisitin niya ako araw-araw dahil hindi naman na niya ako tinuturuan mag-piano inaaya ko na lang siyang maglaro ng badminton sa bakuran namin.
Hindi ko nga inakala na marunong at magaling din pala siya maglaro no'n kaya kung minsan natatalo niya ako, pero minsan lang naman 'yon kasi lagi naman akong nananalo.
At dahil nga pasukan na back to acads na.
Naging smooth ang unang sem namin at ako pa rin ang naging rank one. Sobrang dami ko ring ginawa sa unang sem lalo na bilang preseidente ng SSC.
Magkaklase pa rin kami ni Raven pero hindi na kami masyadong nagpapansinan magmula noong pasukan. Busy kasi siya sa mga kaibigan niya na naging kaklase na namin ngayong taon at busy rin naman ako sa mga tungkulin ko bilang SSC president. Lagi rin akong late umuuwi dahil sa mga gawain sa SSC pati na rin sa mga meetings.
Masaya naman ako sa mga ginagawa ko at mas lalong masaya ako dahil na-maintain ko ang pagiging rank one ko sa kabila ng mga responsibilidad na ginagampanan ko sa pagiging SSC president.
Huhupa na nga rin sana ang pagiging rivals namin ni Raven nang bigla na naman niya akong kinalaban pagdating ng second sem.
"De Vega?"
"Fifty-five po."
"Very good, De Vega."
See?!
Rank two siya noong nakaraang sem kaya kinakabahan na naman ako dahil may posibilidad na maagaw niya sa akin ang trono lalong lalo na't hindi nagkakalayo ang general average naming dalawa.
"Salvacion?"
"Fifity-four po."
"Very good, Salvacion."
Very good na 'yon para sa teacher namin pero hindi 'yon very good para sa akin.
Nataasan ako ng Raven!
Oo isang puntos lang 'yon pero malaki ang deperensya na nagagawa ng isang puntos!
Last year isang puntos nga lang din ang naging lamang ko kay Raven sa general average kaya ako naging rank one!
Nakakainis talaga si Raven!
Pagkalabas ng aming teacher ay nagsimula na akong magligpit ng aking mga gamit dahil may meeting pa ang SSC para sa darating na intramurals.
Last subject na rin kasi namin 'yon at uwian na ngayon.
"Paano ba 'yan? Natataasan na naman kita?" Hindi ko pa man siya tinitingnan alam ko na kung saan nanggagaling ang nakabubuwisit na boses na 'yon. "Galingan mo kasi sa susunod."
BINABASA MO ANG
To Love thy Enemy
RomanceShe wanted to be the best for her parents, but he wanted to be the best for her. Allea Maeve Salvacion wants to be the best in the eyes of her parents, but Raven Beille De Vega made it difficult for her to do so. In everything that Allea does, Raven...