"I don't know kung paano ko sasagutin ang tanong mo." Biglang namutla si Jarred sa tanong ko, kahit pa sabihin ko sa sarili ko na na-patawad ko na si Jarred, may parte pa din sakin na gustong malaman kung bakit nagawa niya kami na ipagpalit sa ibang babae.
Hindi ko din alam, siguro gusto ko lang masagot lahat ng tanong ko noon? "Sex ba? Hindi ba kita na-sa-satisfy? Kulang ba ang pag-aalaga at pagmamahal ko sayo? Gusto ko lang malaman tutal matagal na din naman na panahon ang nagdaan."
"N-no, it's more than that." Naging malikot ang mga mata ni Jarred. "Then why? Why Jarred?" Napalunok siya ng malalim bago niya ako tiningnan.
"Wild ang teenage life ko, parties, drugs, wild wild sex, different girlfriend every month until I met you." Naguguluhan naman ako. "Ha?"
"I'm all that before I met you. I fell in love with you dahil Wife material ka, lahat ng qualities na meron sa isang mabuting asawa nakita ko sayo, or so I thought. You make me feel good about myself, you satisfied my want for attention, sakin umiikot ang buhay mo and it feels so good. The pleasure of having power over someone and manipulating them to be someone who conforms to your notions of a perfect wife."
"I-I don't know what to tell you." tila ako naitulos dito sa kina uupuan ko, hindi ako handa sa komprontasyon.
"Pwede bang mangyari na ginawa mo ang bagay na yon ng hindi mo alam ang dahilan?"
"Hindi ko alam saan ko u-umpisahan. Magtanong ka na lang at sasagutin ko." Tagaktak na ang pawis ko at namamasa ng pawis ang kamay at paa ko.
"Umpisahan natin sa umpisa, kung saan kayo nagkakilala. Pakiusap ko lang ang gusto ko sana ay yung totoo." Bakit nais pa niyang ungkatin ang bagay na matagal ng tapos, para saan? "Hindi kita maunawaan, bakit kailangan pa natin ungkatin ang bagay na 'to?"
Talaga bang gusto niyang saktan ang sarili niya? Iniiwasan ko siyang masaktan ngunit siya naman itong nagkakalkal ng mga dahilan para pasakitan ang damdamin niya.
"Naisip ko lang na kung nais natin ayusin ang relasyon natin ay dapat lang na maintindihan at maunawaan ko ang mga dahilan mo kung bakit mo nagawang iwan kami noon." It shattered my heart, malumanay man ang pagbigkas at mula sa purong intensyon na umunawa ay parang punyal pa rin na tumarak sa puso ko. "Kailangan natin maging tapat sa isa't isa if we want this to work."
"Okay then" This will either strengthen or weaken our newly discovered "relationship". "Sa isang bar kami nagkakilala, wala kaming common friend. She's just dancing freely on the dance floor, with no care in the world, to my surprise lumapit siya sakin tapos she teased me, dared me to fuck her, and I found myself following her-"
"L-let's skip that part." Disgust is written all over her face, pero sa tingin ko ay ito ang kailangan niya ngayon, the unfiltered truth.
"Naging madalas ang pag uusap namin, nag ka palagayan ng loob. Sa kanya ko lahat sinasabi lahat ng frustrations at inis ko sa mga katrabaho ko, lagi akong tama at magaling sa mga mata niya kung kaya't lalo akong nahulog. Being around her boosts my ego. You're always tired at hindi ko rin magawang ikwento sayo ang nangyayari sa trabaho dahil iniisip ko na hindi mo mauunawaan ang line of work ko."
Bumadha ang inis sa mukha niya "That's dumb and selfish reasoning."
"I know, I know that now." Pero wala na kaming magagawa para baguhin pa ang mga nangyari sa nakaraan, ang kailangan namin ay harapin at tanggapin ang mga pagkakamali para makausad kami sa aming relasyon.
Bagamat yamot na si Jhane ay nagpatuloy ako. "Nang mga panahon na yon pakiramdam ko nakuha ko ang lahat ng magagandang bagay sa mundo, the sex is great, I'm seen, appreciated and I mistaken it for love." Hindi na maipinta ang mukha ni Jhane ngunit nag patuloy pa rin ako. "Wala akong sinabi na hindi niya sinang ayunan, ano man ang sabihin o gawin ko ay palagi akong tama. Wala din kaming pinag aawayan, hindi kami kailan man nagtalo. Sa tuwing nasa piling niya ako ay para akong hari na nakahain na sa harap ko ang lahat ng bagay na kailangan ko. Chill life kumbaga." Alumpihit na siya sa kanyang kina u-upuan, matalim na din ang tingin niya sakin. Sasabog na siya sa emosyon ngunit pilit pa ring itinatago at kinakalma ang sarili. Nakakahanga sa sobrang katatagan.
BINABASA MO ANG
MY HUSBAND'S MISTRESS
RomanceI was holding our wedding picture, pinakatitigan ko ito bago ko napagdesisyunang isilid ito sa plastic bag upang itago. It's been two years since he left us. I can clearly remember the night that he left. Flashback "Jarred dont leave us...