Natapos ko na ang huling karton na naglalaman ng gamit naming mag-iina. Aantayin na lang naming si 'nay Lourdes para pick upin tong kakaunti naming gamit. Lilipat na kami sa condo ni Lawrence. Yes mag lilive in na kami. Wala naman sigurong masama, it's been three mornhs since sinagot ko siya. At sigurado na kami dito. About naman sa kasal ay hindi pa namin napag iisipan, may kaso pa din kasi saakin dahil hindi pa napawawalang bisa ang kasal ko kay Jarred. Who knows? Baka someday maikasal naman ako kay Lawrence.
Wala akong karapatang mag demand ng kasal, bukod sa may dati na akong asawa, nahihiya din ako sa kanya at sa sasabihin sa kanya ng ibang tao. Natatakot akong maging talk of the town ang napakabait na pamilya ni Lawrence. Eskandalo 'to sa malinis na pangalan ng kanilang pamilya. Kaya nga minabuti ko na lamang na pumayag na makipag live in. mamumuhay kaming parang tunay na mag asawa ngunit walang basbas galing sa simbahan.
"Let's go hija?" Tanong sa akin ni nanay Lourdes, sa mga nakalipas na buwan si nanay Lourdes ang nakakatuwang ko sa pag aalaga sa mga anak ko. Natanggap na nga pala ako sa pabrikang inapplyan ko. Malapit lang ito sa bahay namin, ngayon ay medyo mapapalayo ng konti dahil nga sa lilipat na kami ng bahay.
At dahil shifting schedule sa pabrikang pinagtatrabahuhan ko, si Lawrence naman ang aking katuwang sa pagbabantay kapag night shift ang pasok ko. Sa umaga naman ay siya ang papasok sa kanyang trabaho. Naaawa nga ako sa kanya e, alam kong napupuyat siya pero sabi naman niya ay okay lang siya. Damang-dama ko na talaga na may katuwang na ako sa buhay, nagpapakatatay ang boyfriend ko para sa mga anak ko.
"Opo 'nay okay nap o. pwede nap o tayong umalis." Iginala ko muna ang mga mata ko sa bahay na pansamantalang naging tirahan ko na naging saksi sa pagdurusa ko noon.
Hindi na kami nag aksaya pa ng oras at umalis na kami kaagad. Hindi naman kalayuan ang condo ni Lawrence kaya nagbilang lamang ako ng ilang minuto ay nakarating na din kami. Wala si Lawrence sa loob dahil may importanteng trabaho siya na kailangang asikasuhin. Nagpasabi na siya saakin kagabi at ibinigay saakin ang susi ng condo. Ibinilin na din niya sa mga guard ang aming pagdating kung kaya't walang pasabi na nilang inakyat ang nakakarton naming gamit sa condo unit ni Lawrence.
Malinis ang buong unit, may kalakihan at may dalawang kwarto, puti ang mga dingding na nakakarelax sa pakiramdam. Malaki ang telebisyon at may isang sofa set. Malinis at maganda din ang kusina, kumpleto ng makabagong kagamitan. Grabe! Parang babae yung nakatira dito.
Iniayos ko na ang gamit ng mga bata sa isang kwarto habang si 'nay Lourdes naman ang bahala sa mga bata, ito siguro ang dating guestroom ng bahay ni Lawrence. Puti din ang mga dingding ng kwarto na ito at may sariling banyo sa loob, may napakalaking kama sa gitna at may malaking Tv din, may dvd player and speaker. Grabe naman, ang yaman. Guestroom lang pero mala master's bedroom ang dating.
Ng matapos kong ilagay ang mga gamit ni Andrei sa nakahandang cabinet ay nagluto na ako ng tanghalian namin. Adobo na lang ang niluto ko kasi medyo tanghali na at baka nagugutom na ang mga bata at si nanay Lourdes.
Dumulog naman agad sila sa hapagkainan ng maluto ang aming ulam, mukhang nagutom nga.
"'Nay, meron po ba kayong gagawin? Okay lang naman po kaya ko na dito mag isa. Mamaya ko na lang ipagpapatuloy ang pagliligpit pag natulog si Sam." Baka lang kasi nahihiya siyang magsabi na may gagawin siya. Kanina ko pa kasi napapansin ang maya't mayang pagring ng kanyang cellphone.
"Are you sure? Sorry kasi may kailangan akong asikasuhin sa aking negosyo." Sabi ko na nga ba e! nahihiya lang siya magsabi.
"Nay naman! Sana po kanina nyo pa sinabi, baka po malate na kayo niyan. Sorry po hindi ko na din napansin ang oras sa pagiging busy ko."
BINABASA MO ANG
MY HUSBAND'S MISTRESS
RomanceI was holding our wedding picture, pinakatitigan ko ito bago ko napagdesisyunang isilid ito sa plastic bag upang itago. It's been two years since he left us. I can clearly remember the night that he left. Flashback "Jarred dont leave us...