MY HUSBANDS MISTRESS-CHAPTER 6

23.4K 281 7
                                    

Jullies Pov
Nakaupo ako sa waiting area dito sa american embassy, naghihintay ako na tawagin ang pangalan ko para makakuha ako ng visa.

Natauhan na ako sa pagkakamaling ginawa ko, maling mali na pumatol ako sa lalaking pag mamay-ari na ng iba. Napagdesisyunan kong umalis ng bansa para makalimutan ko si jarred, ang lalaking minahal ko sa kabila ng katotohanan na meron siyang asawa.

Alam ko na makasalanan at walang kwentang babae ang tingin ng karamihan sa akin. Pero anong magagawa ko? Mahirap pigilan ang puso. Hindi ko kinaya ang tawag ng temptasyon. Hindi ako nagmamalinis, gusto ko lang idepensa ang sarili ko at ng mga babaeng katulad ko na nalunod sa nagaapoy na dingas ng kasalanan. Nagmahal lang ako, wala akong kasalanan don!

Nakukunsensya ko araw-araw, segusegundo ng buhay ko dahil aware na aware naman ako na ninanakaw ko ang oras na dapat sana ay sa mag ina niya binibigay.

Nagiging masaya ko. Pag nandyan sya sa tabi ko, oo!alam kong naging makasarili ako! Pero ang kapalit naman ng saya na yun ay mga patalim na tinatarak sa dibdib ko sa tuwing tatawag ang asawa niya at magsisinungaling kung nasaan siya at kung anong ginagawa niya. Pakiramdam ko mga magnanakaw kami na wanted dahil tago kami ng tago.

Nagsasawa na ko sa buhay na ganun, pag namamasyal kami kailangan pa naming pumunta sa malayong lugar para malaya kaming makalabas ng hindi nag aalala na may makakakita samin at malaman ng asawa niya.

I also admit na minsan natutukso akong sabihin sa kanya ang plano kong pag alis para sumama siya sakin at iwan niya ang kanyang pamilya. Ngunit sa bandang huli ay kukurutin ako ng konsensya ko at nahihinuha ang magiging buhay ng anak niya, mahirap lumaki ng walang amang gagabay sayo. I became from a broken family kaya alam na alam ko na ang pasikot sikot ng buhay na walang amang gumagabay.

Alam ko ang pakiramdam na naiinggit sa tuwing makakakita ng kumpletong pamilya, sa tuwing may family day sa school at wala akong maipresent na daddy. Ayokong maranasan yun ng anak niya kaya magpaparaya ako..

"Ms. Jullie Herrera? Ms. Jullie Herrera? Next na po kayo." Natauhan ako sa tawag ng babae sa desk malapit sa interview room. Kanina pa pala ako tinatawag.

Jhane's Pov
HHWW kami ni jarred habang naglalakad, ito nanaman para nanaman akong high school, nagbablush nanaman ako.

Pumunta kami ni jarred sa manila ocean park, kasama namin si baby andrei na karga karga ng daddy niya habang nagtuturo siya ng mga fish sa malalaking aquarium.

Ang saya talaga pag nag fafamily bonding kami. Namiss ko ito. Ang tagal na kasi ng huling ginawa namin ito.

"Love, hindi kana ba busy?" Tanong ko sa kanya.

"Uhhmm medyo busy pa din, pero hindi na katulad ng dati na halos hindi ako makauwi."

"Talaga? You can spent time with us again more often? Buti naman di ka na masyado busy." Sabi ko sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.

Kumunot ang noo niya sa ginawa ko."Ano ka ba, ang daming tao nakakahiya." Sabi niya.

Nagulat nanaman ako, bago nanaman to. Dati dati hindi naman niya inaalala ang mga tao sa paligid namin. Pag gusto niya kong halikan hahalikan niya ko kahit saan.

"Halika na, umuwi na tayo baka umulan." Sabi niya sakin.

Oo nga mukhang makulimlim nga. Pumayag na ko at sumunod na sa kanila. Hindi ko na lang papansinin ang mumunti niyang pagbabago. Marahil talagang may iniisip siya sa trabaho kaya siya ganun.

When we reach home nagdecide ako na magluto ng sopas. Umuulan na kasi kaya masarap itong kainin dahil mainit sa sikmura.

Nang matapos kaming kumain ay umakyat na ang mag-ama ko. Ako naman ay naghugas na ng mga plato.

Malapit na akong matapos ng may tumunog na cellphone. Pumunta ako sa dining table at nakita ko ang cellphone ni jarred na nagriring.

Wala naman sigurong masama na sagutin ko tong tawag, asawa niya naman ako.

"Hello pare? Hang out tayo tonight? I'm with jullie, may client meeting kasi ako na malapit sa condo niya kaya nag drop by ako sa condo niya. Hello?" Sabi ng boses sa kabilang linya.

"Sino si jullie?" Takhang tanong ko.

"Bakit mo pinakikialaman ang cellphone ko? Personal ko yang gamit. Bakit pinakikialaman mo?!!" Galit na bulyaw ni jarred.

"Nagriring kasi kaya sinagot ko, baka emergency, sorry"

"Still dapat hindi mo sinagot. Dapat tinawag mo ko!"

"Sinagot ko lang naman yung tawag! Bakit ka nagagalit?! Tsaka sino si jullie?"
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Okay next time ulit.

~samsungchinina143

MY HUSBAND'S MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon