MY HUSBAND'S MISTRESS-CHAPTER 44

8.2K 136 18
                                    


Jhane's POV

Gulong gulo ang isip ko ngayon, hindi ako makapaniwala dahil sa pangalawang pagkakataon ay iniwan ako. Sa pangalawang pagkakataon naiwan nanaman ako at sobrang sakit. Ano ba talagang mali saakin at palagi akong iniiwan? Hindi ba sapat ang pagaalaga at pagmamahal na ibinibigay ko? Ang pinakamasakit ay wala nanamang sasagot ng mga bakit ko dahil nga sa iniwan nanaman ako!

Napakahirap tanggapin ang mga pangyayari, okay naman kami ni Lawrence bago ang kasal, wala din naman kaming pinagtalunan kaya hindi ko talaga maisip kung ano ang dahilan niya. Sinusubukan ko siyang tawagan para sagutin niya lang ang mga tanong ko, kung maexplain niya naman sakin kung bakit ayaw na niya akong pakasalan ay tatanggapin ko naman, pakakawalan ko naman siya kung talagang ayaw na niya. Napakahirap kasi ng ganito, nangangapa ako kung paano ko uumpisahan ang pagmomove on kung gayon na hindi ko naman alam ang dahilan ng aming paghihiwalay .

Ang hirap dahil hindi ako makatulog sa pilit na pagiisip kung may naging problema ba kami para iwan niya ko sa araw pa mismo ng kasal namin. Pagkalito ang nagpapahirap sakin, dahil kahit anong pilit kong pagalala ay wala akong matandaan na naging problema namin ni Lawrence, we're okay bago ang araw ng kasal, we're both happy and contented. O baka ako lang ang nagisip na wala kaming problema? Baka ako lang ang nagisip na kuntento kami sa isa't isa? Baka ako lang ang nagiisip na mahal namin ang isa't isa? Baka sa sobrang saya ko ay inimagine ko na lang na totoo ang pag-ibig niya sakin? Baka,baka,baka at walang katapusang baka. Masisiraan na ako ng ulo sa sobrang pagiisip ng mga bagay-bagay. Gusto kong malaman kung ano ba ang dahilan. Gusto kong malaman ang dahilan kung bakit palagi akong iniiwan pero walang nagbibigay sakin ng sagot, bigla lang akong iiwan ng walang dahilan,walang rason, walang maipagmalaki,walang dangal, walang kahit na ano.

Para bang ipinanganak lang ako para paglaruan at pagsawaan tapos itatapon sa isang madilim na sulok. Para akong isang laruan na napakadaling palitan anumang oras.

Ang dami naming masamang babae sa mundo, bakit saakin pa nangyayari ang mga bagay na 'to? Tapat naman ako sa lahat ng nakarelasyon ko, ibinibigay ko ang lahat ng kaya kong ibigay, pero bakit ganun? Ayaw ba ng mundong sumaya ako? Ito ba ang buhay na nakatakda para sakin? Gusto ko lang naman maging masaya at magkaroon ng kumpleto at masayang pamilya na kahit kalian ay hindi ako nagkaron, napakahirap bang ibigay ang nais ko? Hindi ako naghahanagad ng yaman o kung ano mang luho, gusto ko lang ay tapat na pag-ibig, pero bakit kapag palagay ko matutupad na ang pangarap ko biglang nawawala? Bakit kapag sobra akong masaya ay binabawi kaagad ng diyos ang lahat? Bakit? Hindi ko ba desserve na mahalin? Hindi ba ako worth it? Ano bang kailangan kong gawin? Sabihin mo naman saakin lord kung ano ang gagawin ko, dahil hirap na hirap na 'ko, ang sakit sakit na.

Bawat araw na lumilipas ay pasakit ng pasakit, bawat araw na lumilipas na walang sagot sa mga tanong ko pahirap ng pahirap.

Sa mga araw na nandito ako sa loob ng kuwarto ay hindi naman nagsasawa si Jarred na dalhan ako ng pagkain kahit hindi ko naman kinakain, hindi ko din magampanan ang tungkulin ko bilang ina. Pakiramdam ko kasi ay napilayan ako, alam ko naman na hindi pababayaan ni Jarred ang mga bata kaya kahit papano napanatag naman ang kalooban ko.

Sinunubukan ko pa din tawagan si Lawrence pero tulad nang nakaraang tawag cannot be reach pa din. Hindi ko alam kung bakit niya pa ako inayang magpakasal kung ganitong hindi naman pala siya sigurado. Gustong gusto ko na siyang makausap pero lagi akong bigo, pati ba naman ang paliwanag ipagkakait niya pa saakin? Hindi ako magsisinungaling, masama ang loob ko sa kanya dahil iniwan niya ako sa altar sa harap ng madaming tao. Sobrang pagkapahiya ang naramdaman ko nung araw na 'yon, kung pwede lang na maglaho ako bigla at pumunta sa malayong malayong lugar na ako lang ang tao at wala ng iba pa. gusto kong tumakbo para maiwasan ang naaabang tingin sakin ng mga bisita. Grabeng sakit at pagkapahiya ang ibinigay saakin ni Lawrence kaya't masisisi niya ba ako kung sumama ang loob ko sa kanya?

Pasalamat na lang dahil maagap si Jarred at mabilis niya kong naialis sa lugar na 'yon. Nagtataka ako kung bakit siya nasa simbahan pero masaya ako na nandun siya ng oras na 'yon dahil kung wala siya hindi ko na alam ang gagawin ko, baka tumalon na lang ako sa bangin at nagpatiwakal sa sobrang kahihiyan.

Ilang oras na akong nakatulala sa kwarto bago ko napagdesisyunan na ayusin ang sarili ko. Naligo ako at nagbihis ng damit na nakita ko sa loob ng kwarto na 'to. Naisip ko kasi na wala naming kasalanan ang mga anak ko para idamay ko sila sa kung ano mang pinagdadaanan ko ngayon, katulad ng dati ay kailangan kong magpakatatag para sa mga anak ko. Sila na lang ulit ang gagawin kong inspirasyon para ipagpatuloy ang buhay ko. Kailangan nila ko higit kaninuman, sa kanila ako huhugot ng lakas para malagpasan lahat ng problema ko.

Mahirap sa umpisa pero alam kong kakayanin ko, tutulungan ko ang sarili ko at ibabaling ko ang atensyon ko sa pag aalaga at pagmamahal sa mga anak ko. Nakayanan ko nung iniwan ako ni Jarred kaya alam kong kakayanin ko din ito, uulitin ko lang kung paano ako nagumpisa dati. Maghahanap ako ng trabaho at bubuuin kong muli ang sarili ko..

Lawrence POV

Nakatulala ako dito sa loob ng maliit na kwarto ng hotel kung saan ako tumuloy noong tinakbuhan ko si Jhane sa araw ng kasal naming, alam ko nasaktan ko siya pero alam ko din na mas masasaktan siya kung ipipilit kong itago ang tunay kong pagkatao at damdamin habang nagsasama kami. Ang tagal kong isiniksik sa utak ko na tama ang desisyon kong pakasalan siya. Pero sobrang hirap, sobrang hirap........

Hindi pa ako handang umuwi sa bahay namin at magpaliwanag sa lahat kung bakit ko ginawa ang nagawa ko. Babalik ako at magpapaliwanag sa lahat kapag handa na ko, kapag may lakas na ako ng loob, kapag kaya ko ng mawala ang lahat............






#WattPride

MY HUSBAND'S MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon